Rocco kabadung-kabado na sa nalalapit na panganganak ni Melissa; humingi ng daddy tips kina Juancho at Dennis
HABANG hindi pa bumabalik sa lock-in taping ng bago niyang teleserye sa GMA 7, todo muna ang pag-aalaga ni Rocco Nacino sa nagdadalang-tao niyang asawa.
Anytime mula ngayon ay manganganak na si Melissa Gohing kaya inaatake na ng iba’t ibang emosyon ang Kapuso actor kaya panay-panay na raw ang dasal niya para sa kaligtasan ng kanyang mag-ina.
Nabanggit ni Rocco sa presscon ng “Maria Clara at Ibarra” na humingi na siya ng paternity leave sa produksyon ng serye para sa panganganak ni Melissa.
“Ito yung sinasabi ni Dennis (Trillo, kasama niya sa nasabing progra) na time management. Of course, bread and butter ko ito (showbiz), and priority ko pa rin siyempre na mag-commit sa show na ito.
“I mean, the production is good enough to grant me paternity leave. Pero mukhang kailangan ko yata i-shorten kasi papasok na ang mga eksena ko.
“Kailangan ko na pong ibigay ang buong oras ko sa Maria Clara. Pero I think magtutugma naman po.
View this post on Instagram
“Mukhang darating naman po before ako pumasok. So, kahit three days na makasama ko si baby, maiuwi ko lang sila, puwede na akong sumabak sa taping,” sabi ni Rocco.
Kuwento pa ng aktor tungkol sa kundisyon ng kanyang buntis na misis, “Na-diagnose pa nga siya, diabetes, which is normal. Hypothyroidism. So, todo alaga ako ngayon. Nag-carpal tunnel syndrome. So, ako talaga yung nag-aalaga kay Mel.
“So, ako tagabuhat sa kanya and everything. Kaya lahat ng ginagawa ko ngayon, sa bahay lang ako. So, pag kaya ko at umabot si baby before mag-taping, yun ang best time,” pagbabahagi pa ni Rocco.
Sa ngayon, mixed emotions daw ang nararamdaman ng aktor pero mas lamang ang excitement na masilayan ang baby boy nila ni Mel.
View this post on Instagram
“Kabadung-kabado. Ito nga ang mga tatanungin ko si Dennis, si Juancho (Trivino). Hihingi ako ng tips sa kanila kung paano mag-manage. Kasi, kahit nurse man ako, feeling ko pagdating niya, mabablangko ako, e,” sey ni Rocco.
Samantala, excited na rin si Rocco na mapanood ng mga Kapuso ang “Maria Clara at Ibarra” kung saan gaganap siya bilang si Elias na talagang namang very challenging din na karakter.
“Mag-uusap pa kami ni Direk Zig (Dulay) kung gaano pa kalalim gawin si Elias. Kung si Crisostomo Ibarra si Dr. Jose Rizal, at si Elias ang katumbas ni Andres Bonifacio na matapang, may galit, malalim?
“So, yun ang magiging challenge ko kung gaano kalalim ko huhugutin ang galit sa mga tao na nanakit sa pamilya. Para gumanti at ipakita ang tapang,” pahayag ni Rocco na makikipagtagisan din ang akting kay Dennis.
https://bandera.inquirer.net/281573/rocco-ibinuking-ang-reaksyon-ng-asawa-nang-sabihing-makakatrabaho-uli-si-lovi
https://bandera.inquirer.net/306988/rocco-sa-online-scammer-sana-makunsensya-ka-sa-ginagawa-mo-karma-na-ang-bahala-sa-yo
https://bandera.inquirer.net/306988/rocco-sa-online-scammer-sana-makunsensya-ka-sa-ginagawa-mo-karma-na-ang-bahala-sa-yo
https://bandera.inquirer.net/313146/rocco-natakot-nang-malamang-buntis-na-si-melissa-naisip-ko-ready-na-kaya-ako-maging-daddy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.