Jenny naging ‘typhoon’ na, Signal #1 itinaas sa bahagi ng Luzon –PAGASA
ISA nang ganap na “typhoon” ang binabantayang Bagyong Jenny sa ating bansa.
Ayon sa latest weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong October 2, huling namataan ang bagyo sa layong 635 kilometers silangang bahagi ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas na hanging 140 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 170 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 15 kilometers per hour pa-hilagang kanluran.
Kasabay niyan ay itinaas na rin ng weather bureau ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang parte ng Luzon.
Baka Bet Mo: LTO nag-isyu na ng ‘show cause order’ sa may-ari ng sasakyan na sangkot sa road rage sa Cavite
Kabilang na riyan ang Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, northern at eastern portion ng Isabela, Apayao at northern portion of Ilocos Norte.
Babala ng Weather Specialist na si Obet Badrina, “Maaaring makaranas ng malalakas na hangin, posible rin na medyo maulap na kalangitan at may tsansa rin na mga pag-ulan.”
“Pero posible rin na medyo maaraw pa ‘yung panahon dahil nga mangyayari pa lamang kaya ho siya tinawag na ‘warning.’ So sa mga lugar ho na ito, huwag kayong magulat kung hindi pa ganun kalakas ‘yung hangin kasi mararanasan pa lamang siya,” paliwanag pa niya.
Paalala rin ni Badrina, “Kaya dapat maghanda po tayo sa mga sandaling ito kung saan maaaring makaapekto itong Bagyong Jenny, partikular na sa Extreme Northern Luzon.”
Gayumpaman, sinabi ng PAGASA na maliit lamang ang tsansa nito na magkaroon ng direktang epekto sa ating bansa.
“Base sa huling track natin ay hindi pa natin inaasahan na ito ang mata nito ay tatama sa anumang bahagi ng ating bansa,” sey ng weather specialist.
Nabanggit din ng ahensya na posibleng lumabas ng ating bansa ang Bagyong Jenny sa darating na Huwebes, October 5.
Sa ngayon, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon at Bicol Region, gayundin sa Metro Manila nang dahil sa “trough” o ekstensyon ng bagyo.
Magpapaulan din ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa Visayas, Zamboanga Peninsula, at MIMAROPA.
“Patuloy pa rin ang pag-iral ng Southwest Monsoon at ito ay magdadala pa rin ho ng mga pag-ulan, partikular na sa may kanlurang bahagi ng Southern Luzon, gayundin din sa may bahagi ng Visayas at Zamboanga Peninsula,” saad ng PAGASA.
Read more:
P3.8-B halaga ng shabu nasabat ng Bureau of Customs sa Subic
Risa Hontiveros nadismaya sa P125-M confidential funds na ginastos lang ng 11 araw: Napakagaspang!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.