John Arcilla pinayagang gumawa ng teleserye sa GMA

John Arcilla pinayagang gumawa ng teleserye sa GMA, posible ring magkaroon ng international project

Pauline del Rosario |October 02,2023
facebook
share this

John Arcilla pinayagang gumawa ng teleserye sa GMA, posible ring magkaroon ng international project

Pauline del Rosario - October 02, 2023 - 11:16 AM

John Arcilla pinayagang gumawa ng teleserye sa GMA, posible ring magkaroon ng international project

PHOTO: Instagram/@johnarcilla

UMAASA ang award-winning actor na si John Arcilla na muli niyang makakatrabaho ang GMA.

Ito ang inihayag ng batikang aktor matapos siyang tanungin ng ilang entertainment press sa naganap na ABS-CBN Ball 2023 kung magiging parte nga ba siya ng gagawing sequel ng “Encantadia.”

Kung maaalala, si John ang gumanap sa karakter bilang “Hagorn” sa nasabing original fantasy series na ipinalabas noong 2016.

Ayon sa aktor, humingi na siya ng permiso sa ABS-CBN management at siya raw ay pinayagang gumawa ng proyekto under Kapuso network.

“Nagpaalam na ako sa ABS-CBN; hindi pa nagkakaroon ng sequel ang ‘Encantadia,’ sinabi ko na na kapag lumabas ang ‘Encantadia’ ay gusto kong gumawa sa GMA-7,” kwento niya.

Baka Bet Mo: John Arcilla gustong sundan ang career nina Al Paccino, Robert de Niro at Eddie Garcia: ‘Mamamatay akong aktor’

Dagdag pa niya, “I think it’s not impossible kasi sinabi nila sa akin from the very beginning it’s OK to do projects with GMA, and that is official.”

Kasunod niyan ay ibinunyag din ni John na kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa isang kilalang Filipino-American producer para sa isang international project.

“When I won the Volpi Cup at the Venice Film Festival, I was hoping na masundan pa ‘yon,” sambit niya.

Patuloy niya, “Well, sana ‘yun ‘yung maging door para kung meron mang producers tsaka mga agents internationally who will give me a chance to do some projects na full-length na—American or French film man siya, or project from Italy.”

“I’m really very open to anything, international projects,” aniya pa.

Kung maaalala, taong 2021 nang gumawa ng kasaysayan si John matapos magwagi bilang “Best Actor” sa Venice Film Festival sa Italy.

Ito ay para sa kanyang magaling na pagganap sa pelikula ni Direk Erik Matti na “On the Job: The Missing 8.”

Siya ang kauna-unahang Southeast Asian actor na nakakuha na parangal sa prestihyosing film festival.

Ang upcoming project ni John ay ang psychological thriller film na “The Guest” kasama ang aktor na si Daniel Padilla na nakatakdang ipalabas sa taong 2024.

Related Chika:

Gabbi Garcia nagpaalam kay Julia nang malamang makakatrabaho si Joshua: I called her in respect

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ivana Alawi ikinumpara sa ‘bulalo’ sina Gerald Anderson at Sam Milby

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending