Fans ng TVJ kinampihan si Joey de Leon sa lubid joke: 'Ambabaw na ng mga tao ngayon, konting kibot nag-iiyakan agad' | Bandera

Fans ng TVJ kinampihan si Joey de Leon sa lubid joke: ‘Ambabaw na ng mga tao ngayon, konting kibot nag-iiyakan agad’

Ervin Santiago |September 28,2023
facebook
share this

Fans ng TVJ kinampihan si Joey de Leon sa lubid joke: ‘Ambabaw na ng mga tao ngayon, konting kibot nag-iiyakan agad’

Ervin Santiago - September 28, 2023 - 01:09 PM

RUMESBAK ang mga fans ni Joey de Leon sa mga nagrereklamo at umaatungal sa kontrobersyal niyang “lubid” joke sa isang segment nila sa “E.A.T.”

Ayon sa mga tagasuporta ng noontime show nina Joey, Vic Sotto at Tito Sotto pati na ng iba pang Legit Dabarkads, wala silang nakikitang masama o offensive sa nabanggit ng komedyante tungkol sa lubid bilang “bagay na isinasabit sa leeg.”

Nangyari ito sa “Gimme 5” segment ng “E.A.T.” sa TV5 kung saan tinanong ang contestant kung anu-anong bagay ang nilalagay o isinusuot sa leeg.

Ayon sa mga nagrereklamong netizens, mukhang ang gustong tumbukin ni Joey sa sinabi niyang lubid ay ang pagpapakamatay o suicide.

Baka Bet Mo: MTRCB tiniyak na iimbestigahan ang mga reklamo laban sa ‘lubid joke’ ni Joey de Leon

Sandamakmak ang bumanat sa veteran TV host nang dahil sa kanyang joke, meron pa nga na talagang pinagmumura pa si Joey at halos ipako na siya sa krus.

Pero sabi naman ng mga nagtanggol kay Joey, marami pang ibang kahulugan ang pagbanggit nito sa salitang lubid, tulad ng paglalagay nito sa leeg ng mga kalabaw at iba pang hayop.

Narito ang ilang komento ng netizens na nabasa namin sa social media.

“Porke lubid sa leeg, suicide agad? Huwag ganunnnnn!!! Ang judgmental nyo!”

“Ambababaw na ng mga tao ngayon. konting kibot mga nag-iiyakan agad e.”

“MGA farmers NASA leeg ang lubid masama ba yan.”

“Madami na mang leeg tao lang ba may leeg.”

“Hindi nman po specific na leeg ng tao, ‘mga bagay na isinasabit sa leeg’, ibig sabihin in general, kasama na hayop don.”

“Ang tanong anong bagay sinasabit sa leeg.hinde nman malinaw kung para aa tao lng ung pwede isabit.”

“Yung kalabaw namin may leeg, dun namin ‘sinasabit’ yung lubid, kawawa kase pag sa paa, indi makakalakad ng ayos.”

Nauna rito, nangako naman ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na iimbestigahan ang nasabing isyu.

Kasunod nito, naglabas din ng official statement ang “E.A.T.” kung saan humingi sila ng dispensa sa lahat ng na-offend sa biro ni Joey on national TV.

Related Chika:

Rendon Labador bumanat kay Joey de Leon sa isyu ng lubid joke: ‘Pasalamat ka wala na ako sa FB, nakalusot ka ngayon’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin dinipensahan si Joey de Leon matapos ang viral ‘lubid’ statement: Hindi naman kasi sinabi na tao lamang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending