Pia Wurtzbach, Ariadna Gutierrez nagkita uli

Pia Wurtzbach, Ariadna Gutierrez nagkita uli, 8 years matapos ang kontrobersiya sa Miss Universe

Pauline del Rosario |September 28,2023
facebook
share this

Pia Wurtzbach, Ariadna Gutierrez nagkita uli, 8 years matapos ang kontrobersiya sa Miss Universe

Pauline del Rosario - September 28, 2023 - 10:56 AM

Pia Wurtzbach, Ariadna Gutierrez nagkita uli, 8 years matapos ang kontrobersiya sa Miss Universe

PHOTO: Instagram/@piawurtzbach

 MAKALIPAS ang walang taon, tila nagkaroon ng reunion si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang Columbian model na si Ariadna Gutierrez.

Nagkasama ang dalawang beauty queens sa isang fashion event sa Paris.

Ibinandera pa nga mismo ni Pia sa isang Instagram post ang litrato nilang dalawa na tila sabay na rumarampa sa kalsada.

Mensahe pa niya sa post, “The reunion you’ve all been waiting for,” kalakip ang winking emoji.

Baka Bet Mo: Kundisyon ni Juday sa reunion project nila ni Piolo: Kung puchi-puchi lang parang unfair…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang post ni Pia ay shinare din mismo ni Ariadna sa kanyang Instagram Stories at inihayag ang kanyang pagkatuwa sa muling pagkikita nilang dalawa. 

“It’s been almost 8 years since the last time we were together. So happy to see you again @piawurtzbach,” saad ni Ariadna. 

Dagdag pa niya, “When time makes sure you meet the right people once again.” 

Maraming netizens naman ang natuwa sa reunion ng dalawa at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“This is true HUMANITY, this is womanhood sisterhood [red heart emoji] love you both!”

 “The world is healing , the Universe rather [smiling face with heart-eyes emojis].”

“This is powerful! Love this [emoji].”

Kung matatandaan, naging kontrobersyal ang crowning moment ng dalawang beauty queen sa Miss Universe pageant noong 2015. 

Ito ‘yung panahon na nagkamali ang event host na si Steve Harvey sa pag-announce ng nanalong kandidata.

Ang unang binanggit na nagwagi ng Miss Universe crown ay si Ariadna, ngunit makaraan ang ilang minuto ay bumalik si Steve sa entablado upang aminin na mali ang kanyang nabasa at sinabi na si Pia ang tunay na nakakuha ng nasabing titulo.

Dahil sa insidente, marami ang nabigla at nagulat maging ang dalawang beauty queens.

Ang koronang suot-suot na ni Ariadna ay muling kinuha sa kanya at inilipat sa pambato ng ating bansa.

Si Pia ang ikatlong Pinay na nakapag-uwi ng Miss Universe title kasunod sina Gloria Diaz (1969) at Margie Moran (1973).

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea, Dominic ibinandera ang pagmamahal sa isa’t isa

Gerald, Julia nagkasawaan agad?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending