Andrea Brillantes hugot na hugot: 'We’re gonna buy toys kasi lagi kaming pinaglalaruan, e!' | Bandera

Andrea Brillantes hugot na hugot: ‘We’re gonna buy toys kasi lagi kaming pinaglalaruan, e!’

Ervin Santiago |September 28,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes hugot na hugot: ‘We’re gonna buy toys kasi lagi kaming pinaglalaruan, e!’

Ervin Santiago - September 28, 2023 - 07:44 AM

Andrea Brillantes hugot na hugot: 'We’re gonna buy toys kasi lagi kaming pinaglalaruan, e!'

Andrea Brillantes at Ivana Alawi

BENTANG-BENTA na naman sa mga netizens ang bagong pasabog na collab ng dalawang Kapamilya stars na sina Ivana Alawi at Andrea Brillantes.

Pagkatapos ng kanilang unang pagsasama sa vlog ni Ivana, gumawa uli sila ng content na mapapanood naman sa YouTube channel ni Andrea.

This time, twinny-twinny pa ang dalawang dalaga at kunwari’y kambal sila na rarampa sa Rockwell sa Makati City.

At para mas maging makatotohanan ang kanilang pakulo, binigyan nila ng pangalan ang isa’t isa. “Kam” ang tawag ni Andrea kay Ivana habang “Bal” naman ang itatawag ni Ivana kay Andrea.

Magkapareho rin ang kanilang OOTD (outfit of the day) mula pagkagising hanggang sa pagpunta at pagrampa nila sa Rockwell.

Kasunod nito, nabanggit nga ni Andrea na halos pareho rin daw ang naging experience nila pagdating sa mga lalaki.

Habang iniikot na nila ang ilang stores sa Rockwell, sinabi ni Ivana na bibili raw sila ng laruan. At dito na nga bumanat si Andrea ng kanyang hugot sa pakikipagrelasyon.

“We’re gonna buy toys kasi lagi kaming pinaglalaruan, e,” ang hirit ng Kapamilya youngstar.

Ang natatawa namang sey ni Ivana, “Sasabihin ko ‘yan.

“Kambal talaga tayo,” sagot uli ni Andrea.

“Lagi kasi kaming pinaglalaruan so we’re gonna play na lang. Yeah! Gusto n’yo ‘to e, di ba. Play-play lang, di ba? Play time lang,” chika pa ng ex-girlfriend ni Ricci Rivera.

Bigla namang inawat ni Ivana ang kaibigan dahil baka kung saan pa raw mauwi ang kanilang usapan.

Nauna nga rito, nag-collab din ang dalawa sa vlog naman ni Ivana kung saan napag-usapan nila ang iba’t ibang toxic characteristic na kanilang pinagdaanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dito rin ibinandera ni Andrea na naging crush niya noong 5 years old pa lamang siya ang Kapuso hunk actor na si Paul Salas na boyfriend ngayon ni Mikee Quintos.

Baka Bet Mo: Piolo, Lovi, Paulo na-challenge nang bongga sa Pinoy version ng ‘Flower Of Evil’: Kailangan medyo maiba siya sa Korean…

Bukod dito, aminado rin si Andrea na hindi siya perpekto at may “toxic trait” rin siya sa mga nagdaang relasyon.

“Ito po promise, binabago ko na siya. As in. I’m trying my best. Gantitera po ako. Gumaganti po pero ano po, applicable lang ito if relationship.

“Like kapag sa out of the relationship, minali mo ako, I just cut you off pero kapag sa relationship po, gantitera ako.

“‘Ha, pa-party ka? Okay, paparty rin ako’. I really like to get even or I even get worse, parang ganiyan. May ganoon po akong ugali,” aniya.

Pero sinabi naman ni Andrea na sa ngayon ay binabago na niya ang pag-uugali niyang ito “As in ngayon binabago ko na kasi hindi po talaga maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali,” sey ng dalaga.

Heart hindi magpapatalo sa kabit: I’m not gonna give you your happy ending!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex Diaz game na game sa love scenes: It’s not gonna work if you’re not completely invested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending