Heart hindi magpapatalo sa kabit: I'm not gonna give you your happy ending! | Bandera

Heart hindi magpapatalo sa kabit: I’m not gonna give you your happy ending!

Ervin Santiago |August 30,2021
facebook
share this

Heart hindi magpapatalo sa kabit: I’m not gonna give you your happy ending!

Ervin Santiago - August 30, 2021 - 08:59 AM

Heart Evangelista at Chiz Escudero

HANDANG patawarin ng Kapuso actress na si Heart Evangelista an asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero sakaling malaman niya na isa pala itong cheater.

Ayon sa aktres at fashion icon, hindi siya papayag na tuluyang mawasak ang relasyon nila ng asawa nang dahil lang sa isang babae.

Sa pakikipagchikahan ng celebrity couple sa broadcaster na si Karen Davila, natanong sila kung ano ang pwedeng maging rason ng paghihiwalay nila.

Mabilis na “cheating” ang sagot ng gobernador pero kinontra ito ni Heart. Aniya, hindi ang pagiging “unfaithful” o pagtataksil ang maaaring sumira sa kanilang marriage.

Kaya ang sumunod na tanong kay Heart ay kung willing ba siyang bigyan ng second chance si mister kapag nalaman niyang niloloko siya nito dahil sa ibang girl. 

“Yes, because I love him. I don’t love him as a lover (lang), I love him also as a friend,” chika ng aktres kasabay ng pagsasabing hinding-hindi siya papayag na magkaroon ng happy ending si Chiz at ang “hypothetical mistress” sa kanilang chikahan.

“So, you guys gonna have your happy ending? No, I’m gonna stay with you till the end. I’m not gonna give you your happy ending,” chika pa ng Kapuso star na sinundan ng malakas na tawa nina Chiz at Karen.

Natanong naman ang gobernador ng Sorsogon kung nagseselos pa rin ba siya sa mga dating boyfriend ng asawa, “I don’t think so.” 

Ngunit tila hindi kumbinsido rito si Heart dahil nakita raw niya ang YouTube history ni Chiz. Nabuking daw niya sa mga recommended videos sa account ng asawa ay puro tungkol sa kanyang mga ex-boyfriend.

At nang i-check nga niya, confirmed! Nanonood nga si Chiz ng mga video sa YouTube tungkol sa mga past relationships niya. Depensa naman agad ng politiko, “The motivation is not jealousy, it’s curiosity.”

Samantala, sa anim na taong pagsasama ng dalawa bilang mag-asawa marami na rin silang hinarap na mgavchallenges.

Kuwento ng aktres, noong unang mga taon nila as married couple ang palagi niyang naririnig na comment ay hindi raw sila magtatagal ni Chiz at maghihiwalay din makalipas ang ilang taon.

May mga nagpupustahan pa nga raw kung ilang taon lang magtatagal ang kanilang pagsasama dahil feeling ng ibang tao hindi sila meant to be.

“Before, I was bothered. Parang ‘Why?’ Ganyan, ganyan. But then, we’re just very happy with life. So sometimes, parang hayaan mo. Poproblemahin pa ba natin ‘yan?” pahayag ni Heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Chiz at Heart noong February, 2015 sa Balesin Island.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending