Sylvia ibinuking na kulang ang self-confidence noon ni Andrea: Sinasabi ko sa kanya, ‘maganda ka, magaling ka, matalino ka, laban!’
MARAMING rebelasyon ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez tungkol sa kontrobersyal niyang anak-anakan na si Andrea Brillantes.
Matagal nang close sina Ibyang at Andrea kaya naman kilalang-kilala na nila ang isa’t isa. Pamilya na rin ang turing ng mga Atayde sa dalaga dahil BFF din niya ang anak ng aktres na si Gela.
Eight years old pa lang si Andrea at palagi na itong dumadalaw sa bahay nila at saksi raw si Sylvia sa mga pinagdaanan ng young actress sa personal at showbiz career nito.
View this post on Instagram
Naibahagi ni Ibyang sa presscon ng bago niyang serye sa ABS-CBN na “Senior High” kung paano sila naging close ni Andrea at kung paano niya ito sinuportahan at ginabayan noong nagsisimula pa lamang sa showbiz.
“Si Blythe (palayaw ni Andrea) kasi, ang relasyon namin ay hindi lang sa showbiz. Eight years old siya sa E-boy, at mula eight years old siya ay pumupunta siya sa bahay at naging barkada niya si Gela kaya sila naging close.
“Ngayon, sa sinasabi niya na nu’ng sobrang down siya, nandu’n ako, nandun ang pamilya ko, nakita ko yun,” pahayag ng nanay nina Ria, Arjo at Gela Atayde.
Aniya pa, “Ngayon, tuwang-tuwa ako sa iyo (sabay tingin kay Andrea). Kasi, di ba, sabi ko sa iyo ‘Nak dati, maging matapang ka, kasi walang ibang tutulong sa iyo kundi sarili mo.
“Nandiyan ang barkada, puwedeng sabihan, nandiyan ang pamilya. Di ba, sinasabihan kita iiyak lang sa Diyos yung mga pasakit na nararamdaman mo?” ani Ibyang.
Pinaalalahanan din ni Sylvia si Andrea kung paano harapin ang bashers, “Yung mga bashers, wag mong intindihin ang mga yan, bashers lang yan. Maganda, pangit ang gagawin mo, nandiyan sila. Haters lang ang bashers, wala silang kuwenta sa buhay natin.”
Ibinuking din ni Ibyang na kulang daw noon sa confidence si Andrea, “Dati ito, ang sinasabi niya sa sarili niya, ‘Di po ako maganda.’ Sinasabi ko sa kanya, ‘Nakita kita, bata ka pa lang, maganda ka.’
“Tapos ang kumpiyansiya niya sa sarili niya kulang na kulang noon. Sinasabi ko sa kanya, ‘Blythe, maganda ka, magaling ka, matalino ka. Laban.’
View this post on Instagram
“Mayroon kasi siyang sinasabi noon na, ‘Maganda si ganu’n kaysa sa akin.’ Di totoo yun. Nakasama ko ang mga batang yun at mas maganda ka du’n.
“Kaya ngayon, kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, akala mo lang di kita kinakausap, inoobserbahan kita. Ang layo ng Blythe na kilala ko na eight years old sa Blythe ngayon, at natutuwa ako.
“Lagi kong sasabihin sa iyo na yung lakas ng loob, tapang, tiwala sa sarili, ‘Nak, ha, dalhin mo yan palagi. At kahit ngayon na matanda ka, isang tawag mo lang sa akin, kay Gela, kay Tito Art, sa pamilya Atayde, nandu’n kami.
“Kahit anong oras, kahit tulog kami, tatakbuhin ka namin. Saka ang ikakasikat mo, ikakatagal mo sa industriya, tanging ikaw lang yun saka ang Diyos,” paalala pa ni Ibyang kay Andrea.
Samantala, natutuwa rin si Sylvia kung bakit tinanggap niya ang role na lady guard sa “Senior High” samantalang ilang beses na siyang nagbida sa mga teleserye ng ABS-CBN.
“Masaya, feeling ko GenZ ako. Ha-hahaha! Alam mo, sa akin kasi, sa umpisa pa lang ang pangarap ko maging support, okay lang. Kaya nu’ng naging bida ako, very thankful ako du’n. Yung thinking ko kasi ganu’n, ‘Ah, hindi puro bida.’
“Ngayon, kahit bigyan ako ng maliit na role pero importante naman, okay naman sa akin, walang problema. Nagkataon lang it was security guard na na-offer na bago,” esplika ni Ibyang.
Ice Seguerra ‘binantaan’ ni Sylvia Sanchez: May araw ka rin! Tandaan mo, gagantihan kita!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.