Sylvia Sanchez nakaganti na kay Ice Seguerra, pasabog ang birthday gift: Bwahahaha! Akala mo, ha! Sexyyyy! Woot...wootttt! Bandera

Sylvia Sanchez nakaganti na kay Ice Seguerra, pasabog ang birthday gift: Bwahahaha! Akala mo, ha! Sexyyyy! Woot…wootttt!

Ervin Santiago |September 18,2022
share this

Sylvia Sanchez nakaganti na kay Ice Seguerra, pasabog ang birthday gift: Bwahahaha! Akala mo, ha! Sexyyyy! Woot…wootttt!

Ervin Santiago - September 18, 2022 - 01:32 PM

Ice Seguerra at Sylvia Sanchez

VIRAL na naman ang nakakalokang “laglagan” at “bantaan” ng magnanay sa showbiz na sina Sylvia Sanchez at Ice Seguerra.

Bentang-benta ang Facebook “series” ng award-winning actress at OPM icon sa mga netizens kung saan nagpapalitan sila ng “maaanghang” na salita na parang totoong nag-aaway at nagbabantaan.

Nagsimula ito nang i-post ni Ice ang mga “sleeping” photos ni Ibyang sa kanyang social media accounts na ikinaloka ng aktres. Kaya naman ipinangako ni Sylvia na gagantihan niya ang singer-songwriter.

Nakakita ng perfect timing si Ibyang para maresbakan si Ice nitong nagdaang birthday ng kanyang anak-anakan. Ibinahagi ni Sylvia ang litrato ni Ice suot ang kanyang chest binder.

Ang caption ni Sylvia, “Bwahahahaha akala mo ha! Sexyyyy!!! woot.. wootttt!

“Basta Happy Birthday nak  hahahaha. Love you  @iceseguerra. Asawa mo @lizadino isali ko sa Mr. Universe ito hahahaha!


“Piktyuran mo pa ako tuwing natutulog ako, sige lang! Dami ko ding nakatagong pictures mo! Mas matindi pa dyan!!!! Hahahaha! Happy happy birthday. #masyarika  #becomingice,” ang pagbati ni Ibyang kay Ice.

Sagot naman ni Ice, “Mahal na mahal kita, Nay. Sana nagustuhan mo rin yung appreciation post ko para sa iyo.” Na ang tinutukoy ay ang litrato ni Sylvia na natutulog n medyo nakanganga na nakuha raw niya sa anak ng aktres na si Gela Atayde.

Bwelta naman ng premyadong aktres, “G*go ka talaga eh!! Hintay lang sa ganti nak!!!”

“Tarant*do ka talaga Íce Diño Seguerra nak eh, may kakutsaba ka pa dito sa bahay ha.

“Gela Atayde wag ka ng pumasok sa kwarto ko ha! That’s an order!!! Humanda kyong dalawa, akala niyo natatakot ako sa inyo ha. Hintay lang!!!

“Wala ng happy happy birthday giyera na to!!! Nanay versus dalawang anak!!!!” hirit pa ni Ibyang.

Tawang-tawa naman ang mga netizens sa palitan ng mensahe nina Ice at Sylvia kaya naman ang hirit ng mga ito, “laglagan pa more.”

Samantala, nagpasalamat naman si Ice sa lahat ng bumati at nakaalala sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng Facebook.

“Before I end my day, I just want to thank everyone who remembered me on my special day. I tried answering all of your greetings pero parang hindi na kinaya ni Facebook. Ang bagal na niya.

“Getting to level 39 in this game called life isn’t easy. Sabi nga ni Sakyamuni Buddha, “life is suffering “. But if there is one thing I know, having friends around me softens the blow.

“To the people I have been friends with since I was young and to the new ones I have, the ones I have lost and the ones I chose to keep, I hope you all know how blessed I am to have you in my life. I am the embodiment of the experiences we have shared together, good and bad.

“So please give me this opportunity to tell you how grateful I am that our paths have crossed. You all have made these 39 years of my existence more beautiful. Thank you so much!” mensahe pa ni Ice.

Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

Ice Seguerra ‘binantaan’ ni Sylvia Sanchez: May araw ka rin! Tandaan mo, gagantihan kita!

Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

Mommy Caring todo-iyak nang malaman ang pinagdaanang depresyon at anxiety ni Ice Seguerra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending