Sharon may pinatanggal sa katawan kahit super payat na, umamin sa presscon: 'Ayaw ng puso't isip kong kumain...' | Bandera

Sharon may pinatanggal sa katawan kahit super payat na, umamin sa presscon: ‘Ayaw ng puso’t isip kong kumain…’

Ervin Santiago |September 19,2023
facebook
share this

Sharon may pinatanggal sa katawan kahit super payat na, umamin sa presscon: ‘Ayaw ng puso’t isip kong kumain…’

Ervin Santiago - September 19, 2023 - 06:40 AM

Sharon may pinatanggal sa katawan kahit super payat na, umamin sa presscon: 'Ayaw ng puso't isip kong kumain...'

Sharon Cuneta

DIRETSAHANG ibinandera ni Megastar Sharon Cuneta na meron siyang pinatanggal na bahagi ng kanyang katawan matapos pumayat nang bonggang-bongga.

Inamin ni Ate Shawie na sumailalim siya sa isang surgery kung saan inalis ang mga ekstrang balat niya sa braso na naglabasan mula nang mabawasan ang kanyang timbang.

Ayon sa premyadong actress-singer,  gusto raw niyang ibalik ang dati niyang katawan noong gawin niya ang pelikula nila ni Sen. Robin Padilla na “Maging Sino Ka Man.”

Hindi rin daw ikinahihiya ni Mega ang pagpatanggal sa kanyang mga extra skin, lalo pa’t para naman ito sa kanyang sarili at sa kanyang mga loyal Sharonians.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I don’t want to hide it naman, eh. Kasi remember, I had reduction sa breasts ko because it was all skin. So, ‘yung tinanggal, mostly skin.

“And I don’t want to hide it, there’s no reason to, hindi naman nakakahiya,” ang pahayag ni Mega sa nakaraang presscon ng “Dear Heart” concert nila ni Gabby Concepcion.

Baka Bet Mo: Kris Bernal wapakels sa bashers: ‘My purpose is way bigger than anyone’s opinion of me’

Ipinaliwanag naman ni Mega kung bakit kailangan niyang ipatsugi ang mga extra skin sa kanyang katawan matapos mabawasan ng mahigit 100 pounds.

“Because I lost so much weight, over a hundred pounds, naturally, mas sagging ‘yung skin. So, I had arms surgery. Nagpatanggal ako ng balat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kasi, ang payat-payat ko na, ang laki pa nun’g balat. So, ipinatanggal lang ‘yung extra skin, ‘yun lang,” aniya.

Sabi pa ng wifey ni former Sen. Kiko Pangilinan, hindi naman niya na-achieve ang katawan niya ngayon nang overnight lamang dahil pitong taon din niya itong pinaghirapan. Bawas sa paglafang at matinding disiplina raw talaga ang ginawa niya nitong mga nagdaang taon.

Dagdag pa ni Ate Shawie, hindi pa niya totally nagegets ang target niyang timbang kaya tuloy pa rin ang kanyang weight loss journey.

Ipinakita rin ni Shawie ‘yung brasong pinaoperahan mismo na gumagaling pa lang kasabay ng pag-amin na nawawalan din siya nang gana nitong mga nagdaang araw.

“Ayaw ng puso at isip ko na kumain kasi may nagba-bother sa akin. Nahe-hurt ako,” ani Shawie pero hindi na niya sinabi kung ano ang nakapagpa-stress sa kanya.

Sey pa niya, “Alam ng Panginoong Diyos ‘yan, alam ng pamilya ko, alam ng lahat ng kasama ko.”

Sa October 27 na gaganapin ang “Dear Heart” concert nila ni Gabby sa SM Mall of Asia Arena.

‘Flower’ ni Beauty Gonzalez nag-viral, asawang si Norman Crisologo na-shock: ‘What flower are you talking about?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rocco inisa-isa ang benefits ng ‘skin to skin contact’ sa mga tatay at sanggol: ‘Helps you feel more confident as a father…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending