Pokwang kumasa sa P1k meal plan

Pokwang kumasa sa P1k meal plan: ‘Tingnan natin kung Ilang araw aabot ‘to…’

Pauline del Rosario |September 17,2023
facebook
share this

Pokwang kumasa sa P1k meal plan: ‘Tingnan natin kung Ilang araw aabot ‘to…’

Pauline del Rosario - September 17, 2023 - 04:45 PM

Pokwang kumasa sa P1k meal plan: ‘Tingnan natin kung Ilang araw aabot ‘to…’

PHOTO: Screengrab from Instagram/@itspokwang27

MATAPOS mag-viral ang P1,000 weekly meal plan ng dating aktres na si Neri Miranda, ibinandera ng actress-comedienne na si Pokwang ang kanyang pagkasa sa isang ulam challenge.

Makikita sa Instagram post ng komedyana na marami-rami ang nabili niya sa worth P1,000.

Karamihan sa mga ito ay mga gulay at wala pang kahit anong karne.

Nabanggit din ni Pokwang na hindi pa siya sigurado kung hanggang ilang araw ang itatagal ng mga pinamili niya sa palengke.

“So ito ‘yung P1,000 challenge na pang-ulam. Hindi ko lang alam kung ilang araw tatagal ‘to,” sey niya sa video.

Baka Bet Mo: Ano nga ba ang mga pwede at hindi pwedeng gawin sa bagong P1,000 polymer banknote?

“Pero ito po ‘yung mga nabili ko sa P1,000: Apat na sardinas na maliliit, kalahating kilong galunggong, kamatis at sibuyas na tig one-fourth, dalawang tali ng kangkong, dalawang tali ng talbos ng kamote, dalawang taling ampalaya, at sayote dalawa na po itong piraso, and itlog anim na piraso at limang kilong bigas,” saad niya sa video habang inisa-isa ang mga nabili.

Patuloy niya, “So ‘yan po ang nabili kong lahat, titingnan natin kung ilang araw po aabot ‘to. Try natin!”

Mababasa rin sa caption ng kanyang post na plano niyang lutuin sa mga binili ang ilan sa mga paborito niyang ulam.

“Mga ulam na kinalakihan ko at till now paborito kong ulam [face savoring food emojis] tingnan natin ilang ulam ang mabibili ko sa 1K peso challenge [folded hands emoji],” wika niya.

Kasunod niyan ay may pa-teaser pa siya na ibabahagi niya ang mga ito sa upcoming YouTube vlog niya.

“Abangan yan sa aming vlog sa Mamang & Malia youtube Channel [red heart emoji] SOON….,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Samantala, nakita namin sa comment section na may netizen na nagtanong kung nagkasya ang mga ito ng isang linggo.

Ang sagot ni Pokwang, “Napagkasya ko ng two days binase ko ng lima sa pamilya.”

Magugunitang pinagtulungan sa social media ang ginawang weekly meal plan ni Neri na ayon sa maraming netizens ay hindi makatotohanan at “unrealistic.”

Pero pumalag naman diyan ang wais na misis at iginiit niya na “sample” lang naman ang kanyang ibinigay upang magkaroon ng ideya kung paano makakatipid sa pagkain.

Ipinaliwanag din niya na kaya umabot lang ng P1,000 ang budget ay dahil may alaga siyang manok kaya libre lang niya nakukuha ang mga itlog.

Nabanggit din niya na mahilig din siya magtanim kaya hindi na rin niya kailangang bumili ng mga gulay at prutas.

Humingi na rin ng sorry si Neri dahil marami nga ang nabigla sa kanyang “sample” at ipinangako na maglalagay na siya ng mas detalyeng meal plan kung saan makikita na ang presyo sa bawat ingredients.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito Miranda dinepensahan si Neri laban sa bashers ng kanyang ‘weekly meal plan’: What a cruel, cruel world

Ogie Diaz sa bagong P1,000 polymer banknote: So ano ito? Mag-a-adjust kami sa pera?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending