Drei Trazona aka Sofia sobrang suportado ng ama: Ako na mag-manager sa 'yo | Bandera

Drei Trazona aka Sofia sobrang suportado ng ama: Ako na mag-manager sa ‘yo

Therese Arceo |September 16,2023
facebook
share this

Drei Trazona aka Sofia sobrang suportado ng ama: Ako na mag-manager sa ‘yo

Therese Arceo - September 16, 2023 - 05:34 PM

Drei Trazona aka Sofia sobrang suportado ng ama: Ako na mag-manager sa 'yo

SA kabila ng pinagdaraanan ngayon ni Drei Trazona at ng ina nitong si Izzy Trazona, all out support naman sa bagong drag queen ang ama nitong si Michael Navarro.

Sa isang Facebook post na ngayon ay viral na, ibinandera ni Michael sa madlang netizens ang video clip ng anak na ngayon ay kilala na bilang si Sofia.

“Dalaga na ang anak ko pwede ng ilaban sa Miss Gay International hahahahaha.. sinung pupusta?” saad ni Michael sa caption ng video ni Drei na naka-drag.

Makikita rin sa comment section na talagang all out support ang kanyang ama sa paraan ng pag-reply nito sa mga komento ng netizens.

Super happy naman si Drei sa natatanggap na suporta mula sa kanyang ama.

Sey ng dalaga, “Papa ko super supportive [emojis].”

Dagdag pa ni Drei sa comment section, “Alabyu papa!”

Sagot naman ni Michael, “Ako na mag-manager sayo,” sagot naman ng ama.”

Baka Bet Mo: Izzy Trazona miss na ang anak na si Drei, inaming may pagkakataong hindi sila pagkakaunawaan: All I want is for your best

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

Si Michael Navarro o mas kilala bilang Michael Arapeles ay ang founder ng Philippine Island Assassins at dating partner ni Izzy. Si Drei nga ang naging bunga ng kanilang relasyon.

Ang naturang post ay noon pang August 20 ngunit ngayon lang nakakakuha nang atensyon matapos ang isyu na diumano’y hindi tanggap ni Sexbomb Izzy ang pagpasok sa drag ng anak.

Kaya naman hindi kataka-taka na umani ng mga papuri mula sa mga netizens ang pagiging supportive nito sa kagustuhan at kasiyahan ni Drei.

“buti pa tong ama nya supportive hindi katulad yung nanay nya na Sexbomb Dancer,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Drei Trazona AKA ‘SOFIA’. Suportado ng kaniyang ama at loud and proud pa.”

Sey naman ng isa, “Hindi lahat ng Tatay tanggap ang pagkabading or tiboli ng anak…kasi sa ganitong sitwasyon mas nanay ang makakaintindi at makakaunawa pero sa ngayon baliktad ang kay andrie ang nanay niya… ang hindi matanggap kung ano ung Piniling buhay ng anak niya aww sad lang ah… magiging ok din kayo mag ina magiging proud din sayo momshie mo kasi wala nman nanay na kayang tiisin ang anak at lalong walang anak na kayang tiisin ang magulang….”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mukhang balewala naman kay Izzy ang mga pambabatikos ng netizens matapos siyang magbahagi ng mahabang mensahe para kay Drei kung saan tila hindi niya suportado ang pagiging drag queen nito.

Related Chika:
Izzy Trazona tinalakan ng netizens dahil sa pa-‘bible verse’ sa anak na drag queen, tinawag na ‘homophobic’

Izzy Trazona deadma sa bashers, ‘amazingly at peace’ sa kabila ng pambabatikos ng netizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending