Dennis Trillo nangakong hindi pagtataksilan si Jennylyn Mercado: Ako na mismo ang lumalayo | Bandera

Dennis Trillo nangakong hindi pagtataksilan si Jennylyn Mercado: Ako na mismo ang lumalayo

Therese Arceo |September 16,2023
facebook
share this

Dennis Trillo nangakong hindi pagtataksilan si Jennylyn Mercado: Ako na mismo ang lumalayo

Therese Arceo - September 16, 2023 - 03:42 PM

Dennis Trillo nangakong hindi pagtataksilan si Jennylyn Mercado: Ako na mismo ang lumalayo

LABIS na pinapahalagahan ng Kapuso award-winning actor na si Dennis Trillo ang relasyon nila ng asawang si Jennylyn Mercado.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, September 15 ay naging bukas siya kung paano nagsimula ang kanilang love story.

“First time na naging kami sa pangalawang soap sa GMA,” pagtukoy ng Kapuso actor sa afternoon drama series na Gumapang Ka sa Lusak (2010). Siguro, tumagal lang yon ng isang taon. Nagkahiwalay din po kami,” pagbabahagi ni Dennis.

Pagpapatuloy niya, “And after ilang years, nag-reach out kami sa isa’t isa. Tamang-tama naman pareho kaming walang partners. Single kami pareho.”

Chika ni Dennis, nagkaroon silang dalawa ng second chance to love at inihalintulad rin niya ito sa kuwento ng “Love Before Sunrise”.

Ang “Love Before Sunrise” ay ang pinakabagong teleserye na pagbibidahan nila ni Bea Alonzo na ipapalabas sa GMA at Viu.

“Nangyayari talaga yon sa totoong buhay, and kapag nangyari yon, parang mas maganda. Pareho na kaming matured, pareho nang established at handa,” lahad ni Dennis.

Hanggang sa noong 2021 nang malaman nilang buntis na si Jennylyn at sa parehong taon ay nagpakasal na silang dalawa.

Baka Bet Mo: Dennis Trillo ibinandera ang pagmamahal kay Jennylyn Mercado, super thankful sa aktres

Nausisa naman si Dennis kung ano ang naging dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Jennylyn.

“Siguro mas bata pa kami pareho. Immature yung mga pag-iisip. ‘Yung mga sitwasyon namin noon ay hindi rin gaano ka-clear pa yung mga gusto naming mangyari kaya po ganoon, pareho kaming naghiwalay sandali.

“Ang ending, nagkabalikan kami,” kuwento pa ni Dennis.

Ibinahagi rin ng aktor kung paano niya na-realize na sila na talaga ang magkasama hanggang sa finish line.

“Early on pa lang, before pa nangyari yung mga proposal, noon pa lang, tawagan na namin sa isa’t isa, asawa.

“So, alam na namin na doon na talaga papunta. Kailangan lang maghanap ng perfect timing para mangyari na lahat,” sey ni Dennis.

Ayon pa sa kanya, sigurado siya at hindi niya hahayaang masira ang tiwala at relasyon nila kaya siya na mismo ang gumagawa ng paraan at umiiwas sa tukso.

“Mahirap magkalamat ‘yung tiwala ng isang tao, lalo na matagal mo siyang pinag-ingatan, kaya hindi ko na iniisip na magloko or ma-tempt man lang. Ako na mismo ang lumalayo talaga,” ani Dennis.

Alam rin daw niya na may posibilidad na maaring magkagusto pa sila sa ibang tao pero ang mahalaga ay ang effort nila na piliin ang isa’t isa at umiwas sa temptasyon.

“Siyempre mga tao lang din naman tayo. Pero ang importante riyan, as long as meron kang respeto sa partner mo, hindi mo hahayaan na maging masama ‘yung pangalan mo,” sey ni Dennis.

Kaya nga ayaw niyang isipin na pwede niyang magawa ang mangaliwa.

Sabi pa ni Dennis, “Ako kasi maingat ako sa tiwala ng tao. Ayokong isipin na may mangyayaring ganu’n sa relasyon naming dalawa kaya minamabuti ko rin na siguraduhin na palaging masaya ‘yung asawa ko kahit na may mga anak na kami.

“Gusto ko maging maligaya pa rin siya, gusto ko kinikilig pa rin siya sa akin at sa mga ginagawa ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Dennis Trillo sa pagganap bilang Crisostomo Ibarra: Sobrang bigat kaya parang hindi ka puwedeng magkamali…

Jennylyn nahihirapang ibalik ang dating katawan, laging tanong kay Dennis: ‘Baby, malaki ba ‘ko? Ang taba ko pa rin ba?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending