Pia inilabas na ang isinulat na libro ilang araw bago ang kaarawan

Pia Wurtzbach inilabas na ang isinulat na libro ilang araw bago ang kaarawan: What an early present!

Pauline del Rosario |September 16,2023
facebook
share this

Pia Wurtzbach inilabas na ang isinulat na libro ilang araw bago ang kaarawan: What an early present!

Pauline del Rosario - September 16, 2023 - 11:37 AM

Pia Wurtzbach inilabas na ang isinulat na libro ilang araw bago ang kaarawan: What an early present!

PHOTO: Instagram/@piawurtzbach

ILANG araw pa bago ang 34th birthday ni Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach, tila maaga na niya itong ipinagdiriwang.

Opisyal na kasi niyang nilabas ang isinulat niyang libro na “Queen of the Universe.”

Nagkaroon pa nga siya ng book luanch sa Manila International Book Fair sa Pasay City noong September 14.

Ibinandera mismo ng beauty queen ang event sa pamamagitan ng Instagram Stories at makikita na nakipag-bonding pa siya sa kanyang fans.

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach aminadong hindi pa handang magkaanak: ‘Not at this point in my career and in my life’

Pia Wurtzbach inilabas na ang isinulat na libro ilang araw bago ang kaarawan: What an early present!

PHOTO: Instagram Sories/@wurtzbach

Bago pa ang book fair, nag-post si Pia na inihahayag ang kanyang excitement at sinabi pa na ito ang maagang regalo para sa kanyang kaarawan.

“Just realized that my book launch is happening exactly 10 days before my birthday! What an early present,” caption niya sa naunang post kalakip ang litrato niyang nakangiti at hawak ang libro.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Jauncey (@piawurtzbach)

May ibinahagi rin si Pia kung saan ibinalita niya na mahigit isandaang kopya ng kanyang libro ang kanyang pinirmahan para sa kanyang book launching.

“This is it [holding back tears emoji] Signed all these books just for you! [happy face emoji] Somebody pinch me cos I’m officially launching my book Queen of the Universe tomorrow,” sey niya sa isa pang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Jauncey (@piawurtzbach)

Naunang ikinuwento ni Pia na tatlong taon niya isinulat at ginawa ang kanyang nobela.

Kwento pa nga niya noon, dito niya ibinuhos ang kanyang oras habang hindi makalabas dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang libro ay tungkol sa kanyang journey upang makamit ang kanyang mga pangarap, kabilang na ang ilan sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.

“It’s about a girl’s journey towards making her dream come true and the different roadblocks she has to overcome to get there,” caption niya sa dating IG post.

Dagdag pa niya, “I can promise you that it’s funny, it’s juicy and some parts sound familiar.”

Taong 2019 nang pumirma ng book deal si Pia with ABS-CBN Publishing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Ate Guy matapang na ibabandera ang makulay at madramang buhay; Direk Adolf Alix shookt sa rebelasyon ng Superstar

Yeng Constantino pag-aari na ang lahat ng pinasikat na kanta, naiyak nang mag-goodbye sa Star Music dahil sa sobrang hiya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending