Yeng Constantino pag-aari na ang lahat ng pinasikat na kanta, naiyak nang mag-goodbye sa Star Music dahil sa sobrang hiya Bandera

Yeng Constantino pag-aari na ang lahat ng pinasikat na kanta, naiyak nang mag-goodbye sa Star Music dahil sa sobrang hiya

Ervin Santiago |August 29,2023
share this

Yeng Constantino pag-aari na ang lahat ng pinasikat na kanta, naiyak nang mag-goodbye sa Star Music dahil sa sobrang hiya

Ervin Santiago - August 29, 2023 - 07:37 AM

Yeng Constantino pag-aari na ang lahat ng pinasikat na kanta, naiyak nang mag-goodbye sa Star Music dahil sa sobrang hiya

Yeng Constantino

SA WAKAS, makalipas ang 17 taon sa entertainment industry, matatawag na rin ni Yeng Constantino na kanyang-kanya ang lahat ng isinulat niyang mga kanta.

Tuwang-tuwa ang award-winning singer-songwriter na pinagbigyan siya ng dati niyang record label na Star Music na ma-acquire ang buong catalog ng kanyang mga songs.

After two decades, tuluyan na ngang nagpaalam si Yeng para lumipat sa bago niyang tahanan, ang Republic Records Philippines. Paliwanag ni Yeng, ito’y bahagi ng ginagawa niyang paghahanda sa kanyang future.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)


“17 years na ako sa industry and hindi naman tayo bumabata so parang as I’m getting older, I think I’ve been like this simula pa naman nu’ng umpisa, I always think about the future.

Baka Bet Mo: Yeng nakaranas din ng pang-iisnab mula sa mga sikat na celebs: ‘Wala, dedma lang, hindi ko na lang din siya papansinin…’

“Itong trabaho namin it’s not forever and what do I have to do in the present para ma-secure ko ang akin retirement pagtanda,” ang simulang pagbabahagi ng singer-actress sa isang panayam.

“Isa lang to sa mga steps na ginagawa ko para mas ma-secure ‘yung future ko. Eventually I think ‘yung songs are an investment as well,” dugtong pa niya.

Pagbabahagi pa niya sa pag-alis sa Star Music, “I’m so lucky kasi hindi siya naging war, walang ganu’n na nangyari. Ako mismo personally, pumunta pa ako ng Star Music. Naiyak pa nga ako kasi siyempre laking hiya ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)


“Ayoko po mag-come off as ungrateful, ayoko pong ma-feel na I’m abandoning you guys it’s not that it’s more of a personal reason,” paglilinaw pa ni Yeng.

Ayon pa sa Kapamilya star, mas marami na siyang pwedeng gawin ngayon sa kanyang mga hit songs, kabilang na nga riyan ang maglabas ng mga bagong version nito na aayon sa panahon ngayon.

“The good thing about owning my songs na ngayon, pwede kong irewrite yung lyrics kasi siyempre nagrgrow din ako bilang songwriter. May mga songs dun na natatawa ako. I think I’m evolving as a songwriter as well,” paliwanag pa ni Yeng Constantino.

Hugot ni Yeng: Lagi kong tinatanong noong bata ako, ‘Mahal ba talaga ako ni Mama?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryan nanghinayang sa kanila ni Yeng: Hindi ko napanindigan ‘yung nararamdaman ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending