Gary V nagpapagaling sa sakit na pneumonia

Gary V nagpapagaling sa sakit na pneumonia, concert tour sa US, Canada, Manila mapo-postpone nga ba?

Pauline del Rosario - September 15, 2023 - 09:41 AM

Gary V nagpapagaling sa sakit na pneumonia, concert tour sa US, Canada, Manila mapo-postpone nga ba?

PHOTO: Instagram/@garyvalenciano

POSIBLENG ma-postpone ang mga natitirang concerts ng binansagang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.

Kasalukuyan kasi siyang nagpapagaling matapos ma-diagnose ng pneumonia sa gitna ng kanyang concert tour sa United States (US).

Mismo ang kanyang misis na si Angeli Pangilinan ang nagbalita niyan sa pamamagitan ng Facebook post.

Humingi ng sorry si Angeli sa mga fans dahil kailangan daw nilang i-hold pansamantala ang mga tickets.

Para sa mga hindi aware, may limang concert pa si Gary V. sa US at Canada at apat naman sa Manila na nakatakdang mangyari sa Oktubre at Nobyembre.

Baka Bet Mo: Gary V itinuturing na ‘blessing’ ang future son-in-law na si Sandro: ‘Napatunayan niya sa aming lahat…’

“…Please allow me to apologize if the tickets for the repeat of the Music Museum series are still on hold,” wika ni Angeli sa post.

Kwento niya, “What happened is that, from being super healthy, Gary caught a bug, and we couldn’t determine what he had until he had certain medical tests done here in the USA.”

“The findings were pneumonia, so we went on red alert,” ani niya.

Patuloy ng misis ni Gary V., “We had to decide whether to continue with the US concerts and the shows in October as scheduled or to postpone them.”

Kasunod niyan ay ibinunyag ni Angeli na recently lamang ay tinamaan sila ng tour director ng COVID-19, pero magaling na sila. 

Dahil diyan, nakiusap siya sa fans na intindihin ang kanilang sitwasyon at tiniyak na tinutugunan naman ng concert team ang mga concerns pagdating sa concert tickets.

“We held off on releasing whatever was left from all the reservations and from the waitlist of the last series, waiting to see if Gary’s health would improve. And it did! Thank God! He’s slowly recovering!” saad ni Angeli.

Aniya pa, “Thank you for understanding. God bless Gary!”

Bumuhos naman ang “well-wishes” messages at dasal para sa agarang paggaling ng batikang singer, pati na rin sa kalusugan ng kanyang misis.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Prayers for complete recovery of Gary and all of you, Angeli [folded hands emojis] Good luck too!”

“Praying for healing for sir Gary [folded hands emoji]”

“Hugs and prayers to all of you. Praying for strength and stamina for all the members of Team Gary V.”

“Praying po para sa health ninyo and the rest of the team [folded hands, blue heart emojis].”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bimby tinamaan uli ng pneumonia, Kris pinagbawalan ng doktor na lumapit sa anak: ‘It was the worst feeling in the world’

Jessica Soho todo pag-iingat sa kalusugan matapos makipaglaban sa pneumonia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending