Kyle Echarri natupad ang wish na makapag-perform kasama si Sarah G: ‘Love you forever Coach, thank you for everything!’
TUWANG-TUWA ang Kapamilya singer-actor na si Kyle Echarri nang sa wakas ay makapag-perform siya on stage kasama ang idol niyang si Sarah Geronimo.
Sa kanyang Instagram account, nag-share ang binata ng mga litrato nila ng Popstar Royalty Sarah nitong nagdaang Linggo, September 10.
Sabi ni Kyle, finally ay natupad na ang matagal na niyang pangarap na makasama ang wifey ni Matteo Guidicelli sa stage ng “ASAP Natin ‘To” na naganap sa Milan.
“Absolute dream come true to perform with my Coach @justsarahgph on the ASAP stage,” ang bahagi ng caption ni Kyle sa kanyang IG post.
View this post on Instagram
Natatandaan pa raw ng binata yung panahong isa lamang siya sa mga nanonood at pumapalakpak kapag bumibirit at humahataw ni Sarah sa “ASAP.”
Baka Bet Mo: Kyle Echarri balak sumabak sa politika; nanawagan sa kabataan na magparehistro para makaboto
“Crazy to think about 9 years ago I was just cheering her on while she was performing on this exact stage,” sey pa ni Kyle.
“Love you forever Coach thank you for everything,” dagdag pang mensahe ng aktor para kay Sarah.
Narito ang iland reaksyon ng mga netizens, kabilang na ang mga kapa celebrities ni Kyle.
“Dreams come true!!” sabi ni Ruffa Gutierrez.
“I love full circle moments!!!” komento ni Yassi Pressman.
Sey naman ni Melai Cantiveros, “The best Kyle.”
“So proud of you baby boy! Missing you here in Milan here tuloy!” ang comment naman ni Darla Sauler.
Sa mga nakalimot na, naging coach ni Kyle si Sarah G sa season 2 ng “The Voice Kids” na umere sa ABS-CBN noong 2015.
Isa siya sa mga napasama sa Top 6 ng Kapamilya reality singing search kung saan ang itinanghal na grand winner ay si Elha Nympha.
Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.