Alden 'kawawa' raw sabi ni Lolit Solis: Hanggang ngayon meron pa ring mga tao na gustong makialam sa buhay niya | Bandera

Alden ‘kawawa’ raw sabi ni Lolit Solis: Hanggang ngayon meron pa ring mga tao na gustong makialam sa buhay niya

Therese Arceo |September 12,2023
facebook
share this

Alden ‘kawawa’ raw sabi ni Lolit Solis: Hanggang ngayon meron pa ring mga tao na gustong makialam sa buhay niya

Therese Arceo - September 12, 2023 - 05:48 PM

Alden 'kawawa' raw sabi ni Lolit Solis: Hanggang ngayon meron pa ring mga tao na gustong makialam sa buhay niya
HINDI mapigilan ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ang makaramdam ng awa sa aktor na si Alden Richards.

Sa isa sa kanyang mga Instsgram posts ay ibinandera ng talent manager ang larawan ng aktor.

“Bakit kaya parang may mga tao Salve na parang gusto pigilan si Alden Richards sa mga gusto niya gawin?” panimula ni Lolit.

Pagpapatuloy pa niya, “Dapat lang na kung ano ang gusto niya mangyari sa buhay niya.”

Bagamat hindi na nito idinetalye kung saan o ano ang nangyayari ngayon kay Alden ay inamin naman nito na maramo pa rin ang nangingialam sa binata.

“Kawawa naman si Alden kung hanggang ngayon meron pa ring mga tao na gusto makialam sa buhay niya,” lahad pa ni Lolit.

Chika pa niya, sa kabila ng unti-unting pagtupad ni Alden aa kanyang mga pangarap ay marami pa rin ang nagsasabi at nangingialam sa kung ano ang dapat mangyari sa kanyang karera.

Baka Bet Mo: Alden Richards gustung-gustong magpakalbo pero bawal; Julia naniniwalang panglaban sa Hollywood ang mga Pinoy

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Narating na ni Alden Richards ang pangarap niya at siguro naman dapat lang na kung ano ang makapagbibigay ligaya sa kanya iyon ang gawin niya. It is unfair na mag-imposed ang kahit sino sa buhay ng ibang tao lalo pa ni Alden Richards,” dagdag pa ni Lolit.

Sa kabila nito ay pinuri naman niya ang magandang pagpapalaki ng mga magulang ng aktor sa kanya.

“Talaga naman alaga ni Mama Tenten si Alden kaya tiyak na lahat ng dapat gawin ginagawa niya para maging maayos lahat sa buhay ni Alden. Kaya hindi puwede makialam ang iba. Mabuti naman at lahat ng gustong gawin ni Alden nagagawa niya,” sey pa ni Lolit.

Samantala, sinabi naman ng talent manager na hindi naman na kinakailangan ng aktor na sumunod sa mga bulong ng iba lalo na’t alam naman nito kung ano ang mabuti para sa kanya.

“Dahil narin nga alam niya na he owe it to himself na ngayon kung ano ang alam niya na mabuti para sa kanya iyon na lang gagawin niya. Hindi na niya kailangan sumunod pa sa gusto ng iba. Nandiyan naman si Mama Tenten na puwede gumabay sa kanya. Kaya go lang Alden, do your thing. Basta maligaya ka, ok lang,” sabi pa ni Lolit.

Sa ngayon ay may bagong pelikula si Alden na pinamagatang “Five Breakups ans a Romance” kasama ang mahusay na aktres na si Julia Montes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Alden Richards bilib sa pagiging totoong tao ni Julia, 2 araw nag-bonding: ‘She’s really a brave woman! Ang tapang!’

Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending