Neri pinaiyak ni Chito sa inihandang surprise party para sa kanyang 40th birthday | Bandera

Neri pinaiyak ni Chito sa inihandang surprise party para sa kanyang 40th birthday

Ervin Santiago - September 11, 2023 - 12:15 PM

Neri pinaiyak ni Chito sa inihandang surprise party para sa kanyang 40th birthday

Chito Miranda at Neri Miranda

HINDI napigilan ng actress-entrepreneur na si Neri Miranda ang maiyak nang bumulaga sa kanya ang pa-surprise ni Chito Miranda para sa kanyang 40th birthday.

Naganap ang nasabing birthday celebration ni Neri nitong nagdaang linggo sa Alfonso, Cavite na dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Nag-post ang Parokya ni Edgar frontman sa kanyang Instagram account ng video clip kung saan mapapanood ang mga naging kaganapan sa regalo niyang surprise birthday party para sa pinakamamahal na misis.

“Last week, nag set-up kami ng surprise party para kay Neri, kasama ng mga friends namin dito sa Alfonso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sooobrang salamat sa mga super friends namin na tumulong at nag-effort para maging successful yung surprise party…mahal na mahal namin kayo,” bahagi ng caption ni Chito sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Cristine hindi in-expect na mananalong best actress sa 40th Oporto Int’l filmfest sa Portugal

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga dumalo para maki-party sa kanilang pamilya pati na sa venue at catering na nagbigay serbisyo sa party.

Sey pa ni Chito, “Sobrang saya ko na na-surprise si Neri kasi palagi nalang sya ang nag-aabala maghanda para sa iba, so ngayon, sya naman. We love you, Ms.Neri!!!”

Sandamakmak na pagbati naman ang natanggap ni Neri mula sa netizens, narito ang ilang nabasa namin sa comments section.

“Nice one sir, true gentleman. Si April boy ba un sa last clip?”

“Grabe si Chito, love na love nya ang wife nya.”

“Ang daming beses ko itong pinanuod, ang saya nman tlga ng masayang birthday surprise party, kasi deserve na deserve ni ms neri tlga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Happy bday ate neri!!!! grabe nmn si coach chito!! Lodii!”

“Simple ra gyud kaayo ni si Neri. Daghan na kaayo negosyo, money, properties pero pinaka humble.”

“Happiest Birthday Ms. @mrsnerimiranda! Continue to be an inspiration to many aspiring entrepreneurs. God bless you more with good health and abundance!”

“Iba ka talaga sir @chitomirandajr pag pasurprise ang pinaguusapan para ka @mrsnerimiranda. Kahit nung nag propose ka my goodness. Kaya sayo ko eh.”

“Happiest bday sa isa sa mga iniidolo qng nanay sa showbiz Ms @mrsnerimiranda. Pagpalain ka pa ng Panginoon, dahil sa napakabuti mong puso.”

Pops nahiyang mag-celebrate ng 40th anniversary sa showbiz: ‘Medyo nawalan po ako ng confidence kasi matagal na akong hindi nagko-concert’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dimples shookt sa surprise baby shower party nina Angel at Bea: Yung look mo para sa shoot pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending