Nadine Lustre to the rescue sa 5 tuta na muntik itapon sa ilog, hinahanapan na ng ‘forever home’
PINATUNAYAN ng award-winning actress na si Nadine Lustre na isa siyang certified “animal lover.”
Ito ay matapos niyang iligtas ang limang tuta na inabandona ng kanilang amo.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ikinuwento ng aktres na itatapon sana sa ilog ang mga ito ng may-ari.
“Came across five puppies at our location. The crew told us that the owner is planning to toss them in the river if no one would take them because there are ‘too many dogs’ around,” kwento ng aktres.
Dagdag niya, “At first, I thought it was a sick joke, but the crew said the owner was actually serious.”
Nang malaman ito ni Nadine ay agad niyang napagdesisyunan na alagaan muna ang mga kawawang aso habang hinahanapan ng bagong fur parents.
“I’ll be taking care of them in the meantime while we’re still looking for a new home for them,” lahad ni Nadine.
Baka Bet Mo: Nadine Lustre ‘nag-aalangan’ pa sa titulong ‘Horror Queen’: I don’t want to be boxed…
Aniya pa, “I just couldn’t stand thinking they might die when I could’ve done something to help.”
As of this writing, tatlong tuta na lang ang open for adoption.
“We don’t know how old they are, but it seems like they’re able to eat food already. Two puppies are already accounted for,” sambit ni Nadine sa IG Story.
Sey pa niya, “If anyone wants to adopt the other puppies please let me know [heart emoji].”
View this post on Instagram
Alam naman natin na vocal talaga si Nadine sa pagpapalaganap ng awareness pagdating sa animal cruelty.
Sa isang interview noong Hunyo, ibinunyag ng aktres ang kanyang pagiging “vegan” o pure plant-based lang ang kakainin kagaya ng gulay, prutas at hindi pwede ang anumang meat o animal products.
Samantala, Ayon sa Animal Welfare Act of 1998, ipinagbabawal ang anumang kalupitan sa mga hayop katulad ng pagmamaltrato, pagpapahirap, pagpatay, at pagpapabaya.
Ang mga lalabag sa nasabing batas ay maaaring maharap sa pagkakulong o multa.
Sa mga hindi naman kayang alagaan ang kanilang mga alagang hayop, pwede naman kayong tumawag sa pinakamalapit niyong pet shelter upang mabigyan ng bagong tahanan ang mga ito.
Related Chika:
Tuta patay matapos ihagis ng guwardiya sa footbridge sa QC; animal lovers na-shock
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.