Faith da Silva handa na sa galit ng BarDa fans: 'Wala akong pake, basta kumikita ako! I-bash nila ako nang i-bash, yayaman ako nang yayaman' | Bandera

Faith da Silva handa na sa galit ng BarDa fans: ‘Wala akong pake, basta kumikita ako! I-bash nila ako nang i-bash, yayaman ako nang yayaman’

Ervin Santiago |September 05,2023
facebook
share this

Faith da Silva handa na sa galit ng BarDa fans: ‘Wala akong pake, basta kumikita ako! I-bash nila ako nang i-bash, yayaman ako nang yayaman’

Ervin Santiago - September 05, 2023 - 07:14 AM

Faith da Silva handa na sa galit ng BarDa fans: 'Wala akong pake, basta kumikita ako! I-bash nila ako nang i-bash, yayaman ako nang yayaman'

Faith da Silva, Barbie Forteza at David Licauco

HANDANG-HANDA na ang Kapuso actress at TV host na si Faith da Silva sa pag-atake ng mga bashers kapag nagsimula na ang “Maging Sino Ka Man” sa GMA 7.

Sa trailer pa lang kasi ng upcoming Kapuso primetime romcom-action series ay isang malutong na sampal na ang ipinatikim ni Faith kay Barbie Forteza na siguradong ikagagalit ng fans.

Gaganap si Faith bilang kontrabida na si Betty sa TV version ng “Maging Sino Ka Man” na unang napanood sa pelikula at pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Si Faith ang manggugulo at magiging sagabal sa pag-iibigan nina Barbie at David Licauco bilang sina Carding at Monique.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Faith Da Silva (@faithdasilva_)


Sa AVP (audio visual presentation) na ipinalabas sa naganap na grand mediacon ng “Maging Sino Ka Man”, mapapanood na kinaladkad at sinampal ni Betty si Dino, ang lalaking disguise ni Monique, nang makitang magkatabi sila sa kama ni Carding.

Ayon kay Faith, wala pa siya sa showbiz ay super fan na siya ni Barbie, “Hindi n’yo po alam kung gaano ako ka-fan ni Barbie Forteza, sa totoo lang.

“Nu’ng nakaupo po siya nu’ng nag-start ‘yung eksena namin, sabi ko, ‘Sino ‘yung gwapo na ‘yon?’ Hindi ko alam si Barbie pala bilang Dino.

“Makikita mo talaga ‘yung essence ng pagiging lalaki, naramdaman ko kaya excited ako sa mga tao na makita nila ‘yung ibang Barbie na ‘yon,” pagbabahagi ni Faith.

Baka Bet Mo: Faith da Silva desidido nang lumaban sa beauty pageant; umaming wala pa ring dyowa

Pinuri rin ng Kapuso actress ang naging transfornation ni David bilang si Carding, “At kay David naman, happy ako to work with him kasi isa rin s’ya mga nakasabay kong mag-workshop nu’ng nag-start pa lang ako sa GMA and ibang David ‘yung nakita ko rito, sa totoo lang guys.

“Bosesan pa lang, wala na, taob na, kuhang-kuha ‘yung boses, ‘yung galaw, ‘yung tindig, iba talaga. It’s something to watch out for for other people and sa fans and supporters ng BarDa,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At dahil siya nga ang magiging kontrabida sa Team BarDa, ready na ba siya sa mga bashers? “Ako wala akong pake, basta kumikita ako, masaya ako. Hayaan nyo’ng i-bash nila ako nang i-bash, yayaman ako nang yayaman!”

“‘Yung pangba-bash naman ng tao, it means na na-a-appreciate nila ‘yung galit e, totoo po ‘yan. ‘Di ba, si Ms. Jean (Garcia, kasama sa cast), isang napakatanyag na artista and alam ko no’ng una may mga bashers talaga na dumating.

“Pero kami naman po ginagawa lang po namin ang trabaho namin at para matuwa ‘yung mga tao at para magalit sila sa karakter ko bilang kontrabida, it means effective kung ano ‘yung ginagawa ko.

“Kaya I’m very, every grateful sa GMA, sa Sparkle, kay Ms. Joy, at kay Direk Enzo Williams, hindi n’yo po alam kung gaano kalaking suporta ang binigay n’ya sa ‘min lahat kaya ang sarap pumasok sa taping. More to come,” pahayag pa ng dalaga.

Magsisimula nang umere ang “Maging Sino Ka Man” sa GMA Telebabad sa September 11, pagkatapos ng “24 Oras”.

Faith da Silva muling nanawagan ng ayuda para sa Siargao: It really breaks my heart…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Faith da Silva sa tunay na relasyon nila ni Albert: Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending