Faith da Silva sa tunay na relasyon nila ni Albert: Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level... | Bandera

Faith da Silva sa tunay na relasyon nila ni Albert: Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level…

Ervin Santiago |September 28,2021
facebook
share this

Faith da Silva sa tunay na relasyon nila ni Albert: Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level…

Ervin Santiago - September 28, 2021 - 09:06 AM

Albert Martinez at Faith da Silva

HINDI diretsahang sinagot ng Kapuso actress na si Faith da Silva ang mga chika tungkol sa kanila ng award-winning veteran actor na si Albert Martinez.

Isa ito sa naitanong ng comic duo na sina Boobay at Super Tekla kay Faith nang sumalang ang dalaga sa “May Pa-presscon” segment ng “The Boobay And Tekla Show” last Sunday.

Magkasama sina Faith at Albert sa upcoming drama series ng GMA 7 na “Las Hermanas” na pinagbibidahan din nina Thea Tolentino at Yasmien Kurdi.

Pahayag ni Faith, “Iba yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa.

“Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support me and guide me.

“Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na yung side na yun of him, e, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor, e, ganoon makitungo sa akin,” sabi pa ng aktres na anak ng dating aktor na si Dennis da Silva na nakakulong ngayon dahil sa kasong rape at child abuse.

Inamin naman ni Faith na napagkukuwentuhan din nila ni Albert ang mga chika tungkol sa kanila, “Nag-usap kami. Napag-usapan namin pero in passing lang.

“Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang. Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan.

“The fact na nakikita ng mga tao na okay ang chemistry namin together, I think yun ang mas importante sa amin,” sabi pa ni Faith.

Forty years ang agwat ng edad nina Faith at Albert — 20 years old ngayon ang dalaga habang 60 na ang beteranong aktor.

Sa tanong naman ng mga host ng “TBATS” kung posible na siyang  ma-in love sa lalaking mas matanda sa kanya, naniniwala raw siya sa matandang kasabihan na “age doesn’t matter.”

“For me, walang edad na pinipili ang pagmamahal. Basta maramdaman mo na totoo yung nararamdaman mo sa tao.

“Regardless of the age, kahit anong bagay ‘yan, basta mahal ninyo ang isa’t isa, wala kayong tinatapakang tao, e, go lang ‘yan!” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala namang problema kung magkaroon man ng relasyon ang dalawa dahil biyudo na si Albert. Noong 2015 pa pumanaw ang asawa niyang si Liezl Martinez kaya pwedeng-pwede na siyang magkadyowa uli.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending