Faith da Silva desidido nang lumaban sa beauty pageant; umaming wala pa ring dyowa | Bandera

Faith da Silva desidido nang lumaban sa beauty pageant; umaming wala pa ring dyowa

Ervin Santiago |February 14,2022
facebook
share this

Faith da Silva desidido nang lumaban sa beauty pageant; umaming wala pa ring dyowa

Ervin Santiago - February 14, 2022 - 06:53 AM

Faith da Silva

KAPAG handang-handa na siya at ready nang lumaban at rumampa nang bonggang-bongga saka lang sasali ang Kapuso actress na si Faith da Silva sa beauty pageants.

Inamin ni Faith na may balak talaga siyang sumali sa beauty contest tulad ng Binibining Pilipinas, Miss Universe Philippines at Miss World Philippines.

Pero aniya, sisiguruhin muna niyang may sapat na siyang training bago lumaban sa kahit anong national pageant para naman hindi siya mapahiya sa mga taong nagtitiwala at naniniwala sa kanyang kakayahan.

“Kapag nag-join na ’ko, I wanna make sure that I am 100% ready, nakapag-train na ’ko for everything. I’m excited for that journey pero hindi ko siya minamadali. I wanna take my time,” pahayag ni Faith.

Wala pa ring nabanggit ang Kapuso actress at aspiring beauty queen kung anong beauty pageant ang  sasalihan niya.

Ngunit base sa mga nababasa naming comments mula sa kanyang fans, sana raw ay sa Miss Universe PH siya mag-join dahil marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig niya kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Samantala, sa interview naman sa kanya ng GMA Network, nabanggit ni Faith ang plano niya ngayong Valentine’s Day.

“If I don’t have work sa February 14, I would most probably spend the day with my family.

“Naging tradition na namin ‘yan na kapag Valentine’s, since kaming tatlo naman ang partners ng isa’t isa kasi tatlo lang kami sa family namin.

“Since bata talaga kami, ginagawa na namin talaga ‘to nag-didinner kami sa labas, ini-enjoy namin ‘yung company ng isa’t isa,” pahayag ng “Las Hermanas” actress.

View this post on Instagram

A post shared by Faith Da Silva (@faithdasilva_)


“Minsan hindi naman natin kailangan ng isang tao or partner para maging masaya tayo. Kailangan isipin natin we have our family and our friends and sila ‘yung partners natin since before pa and walang masama na makipag-date sa kanila sa Valentine’s Day,” dagdag pang chika ng dalaga.

At tungkol naman sa lovelife, “Wala akong relationship, I am single, I’m happily single.” 
Aniya pa, “I’ve realized so many things sa sarili ko, mas nakilala ‘yung sarili ko.

“Now that I’m loving myself in a way na tama para sa akin hindi ko na hahayaan ‘yung sarili ko to open up to someone who isn’t ready or mature, or someone who isn’t for me. 

“I think this has been on my mind for the past few weeks. There’s no harm in waiting (sa tamang lalaki).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lahat ng pinagdaanan natin, worth it naman kapag dumating ‘yung tao na para sa’yo, kasi doon mo mararamdaman ang tunay na pagmamahal,” sabi pa ni Faith na isa na ring certified singer ngayon dahil sa kanyang single na “Sana Sabihin Mo Na Lang”.

Faith da Silva muling nanawagan ng ayuda para sa Siargao: It really breaks my heart…

Albert Martinez sa chikang may relasyon daw sila ni Faith da Silva: I believe it’s not that bad at all…

Bea Gomez dedma pa rin sa isyu ng lovelife, excited nang lumaban sa 2021 Miss U: I’m ready to fight!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending