Faith da Silva muling nanawagan ng ayuda para sa Siargao: It really breaks my heart... | Bandera

Faith da Silva muling nanawagan ng ayuda para sa Siargao: It really breaks my heart…

Ervin Santiago - January 16, 2022 - 05:17 PM

Faith da silva

MULING nanawagan ang Kapuso actress na si Faith da Silva sa lahat ng may kakayahang tumulong na  mag-donate rin sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Siargao at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao.

Malapit din sa puso ng isa sa lead stars ng Kapuso series na “Las Hermanas” ang isla ng Siargao kaya naman patuloy ang paghingi niya ng tulong at suporta para sa mga tagaroon. 

Hinagupit ng super typhoon Odette ang Siargao at mga kalapit probinsya nito noong December, 2021 kung saan maraming bahay ang nawasak at libu-libong residente ang nawalan ng kabuhayan.

Ayon kay Faith, nakapagbakasyon pa raw siya sa Siargao nang dalawangi linggo bago ito hagupitin ng bagyo. Ito ang dahilan kung bakit nais niyang tulungang makabangon ang mga taga-isla.

“I stayed in Siargao for almost two weeks. I was there alone and pinasunod ko ‘yung kapatid ko and ‘yung best friend ko and ‘yung handler ko sa akin para meron naman akong kasama kasi nakakatakot mag-travel mag-isa,” kuwento ni Faith sa panayam ng GMA Network.

View this post on Instagram

A post shared by Faith Da Silva (@faithdasilva_)


Aniya pa, “But the whole time that I was there in Siargao, I never felt na parang outsider ako doon kasi very open ‘yung mga tao, very friendly, very accommodating.

“So it really breaks my heart to see na right after we left Siargao, which I called home for two weeks, na nasira ng bagyong Odette,” lahad ng dalaga.

Kaya naman, umapela muli si Faith sa mga taong may magagandang kalooban at may sobrang budget na tumulong sa mga pangangailangan ngayon ng nga taga-Siargao pati na sa iba pang lugar na tinamaan ng bagsik ni Odette.

“Humihingi rin po ako ng tulong sa mga tao kung pwede po natin suportahan ‘yung mga donations, suportahan po natin sa mga nakilala ko po talaga na lokal doon sa Siargao, naubos po talaga lahat.

“Ang bahay nila, wala na po silang tinitirahan, wala rin po mga pagkain at tubig but now, it’s getting better. Thanks to the help of Siargao community,” pahayag pa ng Kapuso actress.

https://bandera.inquirer.net/294005/faith-da-silva-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-albert-masaya-ako-na-nakilala-ko-siya-in-a-deeper-level

https://bandera.inquirer.net/295615/albert-martinez-sa-chikang-may-relasyon-daw-sila-ni-faith-da-silva-i-believe-its-not-that-bad-at-all

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/292263/gerald-nanawagan-para-sa-health-workers-ito-yung-time-na-dapat-alagaan-sila-ibigay-sa-kanila-kung-ano-yung-dapat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending