Lovi balik-taping agad para sa 'Batang Quiapo' pagkatapos ng kasal sa UK, hindi totoong papalitan bilang leading lady ni Coco | Bandera

Lovi balik-taping agad para sa ‘Batang Quiapo’ pagkatapos ng kasal sa UK, hindi totoong papalitan bilang leading lady ni Coco

Ervin Santiago - September 04, 2023 - 11:55 AM

FAKE news ang naglabasang chika na tsutsugihin na si Lovi Poe bilang leading lady ni Coco Martin sa hit ABS-CBN action-romance-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Nakabalik na sa Pilipinas ang Kapamilya Supreme Actress pagkatapos ng kanyang engrandeng kasal kay Monty Blencowe sa United Kingdom last week.

Pagkauwi na pagkauwi niya sa bansa ay balik-trabaho agad si Lovi kabilang na nga riyan ang pagpapatuloy ng kanyang taping para sa “FPJs Batang Quiapo” kasama ang Hari Ng Primetime na si Coco.

Balitang halos araw-araw na ang taping ni Lovi para sa top-rating teleserye ng Kapamilya Network since bumalik siya sa bansa dahil ayaw ng production na magahol sila sa oras.

Naka-schedule na rin kasing umalis sa darating na Huwebes sina Lovi at Coco, na mas kilala na ngayon bilang sina Mokang at Tanggol (ang karakter nila sa Batang Quiapo), para sa bonggang pagtatanghal ng “ASAP Natin ‘To” sa Milan, Italy na magaganap sa September 10.

Baka Bet Mo: Coco sa panunukso sa kanila ni Lovi sa ‘Batang Quiapo’: Nakow! Imbes na makauwi kami nang matiwasay parang bibigyan n’yo pa kami ng problema!’

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pagganap ni Lovi bilang si Mokang sa “Batang Quiapo” kaya walang katotohanan ang chika na papalitan siya ni Ivana Alawi bilang leading lady ni Coco sa serye.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng pinag-uusapang primetime series, si Tanggol pa rin ang nilalaman ng isip at puso ni Mokang kahit na nakatakda na nga siyang ikasal kay Ramon na ginagampanan naman ni Christopher de Leon, na siya namang tunay na ama ni Tanggol.

Ano kaya ang mga susunod na kaganapan kapag natuloy na ang kasal nina Mokang at Ramon? At paano na kapag nagharap-harap na silang tatlo nina Tanggol at mabunyag na ang katotohanan?

At magwagi nga kaya si Olga sa plano niya na patayin sina Ramon at Mokang?

Abangan ang mga susunod na kabanata sa “FPJs Batang Quiapo”, gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z at TV5.

Samantala, para sa mga kababayan nating nasa Europe, panoorin ang napakalaking selebrasyon at bonggang pa-party ng “ASAP Natin ‘To” sa Milan sa September 10, na gaganapin sa Mediolanum Forum, Assago, Milan, Italy.

Related Chika:

Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Batang Quiapo’ nina Lovi at Coco hindi lang 1 taon ang itatagal sa ere, matalbugan nga kaya ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending