Coco sa panunukso sa kanila ni Lovi sa 'Batang Quiapo': Nakow! Imbes na makauwi kami nang matiwasay parang bibigyan n’yo pa kami ng problema!' | Bandera

Coco sa panunukso sa kanila ni Lovi sa ‘Batang Quiapo’: Nakow! Imbes na makauwi kami nang matiwasay parang bibigyan n’yo pa kami ng problema!’

Reggee Bonoan |May 04,2023
facebook
share this

Coco sa panunukso sa kanila ni Lovi sa ‘Batang Quiapo’: Nakow! Imbes na makauwi kami nang matiwasay parang bibigyan n’yo pa kami ng problema!’

Reggee Bonoan - May 04, 2023 - 08:20 PM

Coco sa panunukso sa kanila ni Lovi sa 'Batang Quiapo': Nakow! Imbes na makauwi kami nang matiwasay parang bibigyan n’yo pa kami ng problema!'

Coco Martin at Lovi Poe

SA launching ng “FPJ’s Batang Quiapo” noong Pebrero, 8 2023 ay biniro ni Coco Martin ang leading lady niyang si Lovi Poe ng, “Wag kang magkaka-crush sa akin ha?” na ikinahagalpak ng aktres.

Kaya sa ikalawang grand presscon ng “BQ” ngayong araw, Mayo 4 ay muli naming ipinaalala ang bilin niya noon kay Lovi at malutong na tawa ang isinagot sa amin ni Tanggol, ang kanyang karakter sa serye.

Ano ang sagot ni Lovi, “Paano bang hindi? Ha-hahaha!”

Hirit namin ulit kung mayroon na nga, “Sa akin na lang ‘yun!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ano sa tingin ni Lovi ang kahanga-hanga kay Coco na hindi maiwasan ng girls? “Sobrang hardworking at passionate.  Ang girls naman talaga naa-amaze kapag ang isang tao ay very (tough), not gentle here. Talagang he’s the captain of the ship, so, talagang nakaka-amaze,” paglalarawan ng dalaga sa aktor.

Sundot namin kung stable naman ang relasyon ng aktres sa boyfriend niyang si Monty Blencowe at napahalakhak to the max si Lovi.

Sabi pa namin, mukhang wala namang magiging isyu dahil single naman si Coco (dahil hindi pa naman niya inaamin kung sila na nga ba ni Julia Montes).

May sumingit naman ng, “Single ba si Coco?”

Sagot ng aktor, “Single-single, double-double! Ha-hahaha!”

Pero aminado si Coco na may kilig at atraksyon ang partnership nilang Tanggol at Mokang sa “Batang Quiapo.”

Baka Bet Mo: Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

Kakaiba ang tawa ni Coco nang tanungin siya tungkol sa atraksyon kay Lovi, “Ha-hahahaha! Nakow! Imbes na makauwi kami nang matiwasay parang bibigyan n’yo pa kami ng problema! Ha-hahahaha!

“Pero siyempre kailangan talaga may inspirasyon, hindi ko naman magagawa ‘yung eksena kapag hilaw, eh. Hindi na nagbibigay ng lines basta alam na niya (Lovi) ang karakter niya.

“Kung ano ‘yung sinabi ko dudugtungan na niya at kung saan-saan na napupunta kaya natatawa ‘yung mga tao dahil hindi naman kami nagpapatawa ro’n pero nakakatawa ‘yung pinag-uusapan kasi nga natural ‘yung ibinibigay naming eksena,” paliwanag ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Paano naman ilalarawan ni Lovi ang samahan nila ni Coco, “Unang-una sa lahat laging sinasabi ni Coco na hindi dapat minamadali at doon ako na-amaze kasi kung paano niya i-shoot ‘yung Batang Quiapo para siyang pelikula. Alam mo ‘yung he savors every moment and every actor he gives every one a moment to shine, so, I’m really grateful kasi ganu’n siya.

“Kaya siguro in terms of our relationship, I’m very grateful kasi nga nararamdaman ko ‘yung effort niya para sa aming lahat the fact na he does everything na siya ‘yung nagdidirek, siya ‘yung nagsusulat pero ibibigay niya ang importansiya sa bawa’t isa sa amin kaya grateful ako and if there’s anyway for me to be thankful is to give my best.

“Kaya kapag kaeksena ko siya talagang I just want to have my A-game on kasi siya (Coco) talagang A-game all the time, so, I want to give him that,” esplika ng dalaga.

Say naman ng aktor ay magaling na artista si Lovi dahil kapag binabato niya ng linya o eksena ay ang galing din ng pagbalik ng aktres.

“Like kapag kinikilig siya konti lang naman ‘yung sinabi ko kaya pina-follow-apan ko kaya lumalalim ‘yung usapan namin.

“Kaya kapag nag-uusap-usap kami ng co-actors iisa sabi namin, ang galing ni Lovi kasi ang galing niyang sumalo, sabi nga nila di ba, acting is reacting. Ang galing niyang mag-react, may mga punchline,” paglalarawan ni Coco sa leading lady niya.

Samantala, ini-reveal na ni Coco kung anong mayroon sa petsang Mayo 8 dahil dapat daw ay abangan ito dahil magkikita-kita na ang lahat ng karakter sa “FPJ’s Batang Quiapo” na tatakbo ng dalawang linggo ang mga eksena.

Inalam namin sa aktor kung magkakakilala na sila ng tunay niyang amang si Christpher de Leon bilang si Ramon Montenegro, “Magkikita sila,” masayang tugon nito.

Abut-abot din ang pagpapasalamat ng buong cast ng serye sa lahat ng entertainment writers, vloggers, bloggers at online writers dahil sa mga magagandang nasusulat sa show at malaking tulong ito para sa gabi-gabing mataas na ratings game na ibinibigay nito sa free TV, at iba pang platforms.

“Kabado po ako kasi akala ko nga no’ng una hindi nito mahihigitan ang Ang Probinsyano lalo na nu’ng nawalan ng prangkisa, e, mas nahigitan pala ng sobra-sobra,” say ni Direk Coco.

Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Batang Quiapo’ nina Lovi at Coco hindi lang 1 taon ang itatagal sa ere, matalbugan nga kaya ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending