Bakit nga ba hindi na-nominate bilang Best Actor si Coco Martin sa Summer MMFF? | Bandera

Bakit nga ba hindi na-nominate bilang Best Actor si Coco Martin sa Summer MMFF?

Reggee Bonoan |April 15,2023
facebook
share this

Bakit nga ba hindi na-nominate bilang Best Actor si Coco Martin sa Summer MMFF?

Reggee Bonoan - April 15, 2023 - 10:19 PM

Bakit nga ba hindi nagwagi bilang Best Actor si Coco Martin sa Summer MMFF?
HINDI pumasa sa criteria na sinunod ng mga hurado ang aktor na si Coco Martin sa kategoryang Best Actor para sa pelikulang “Apag” (Feast) sa nakaraang 1st Summer Metro Manila Film Festival.

Base sa paliwanag ng chairman ng mga hurado na si Ms Dolly de Leon, “mayroon talaga kaming criteria na sinusundan na provided by the Summer MMFF (Metro Manila Film Festival) pero mayroon ding akong sarling take.”

Nakatataka kasi ang lahat na hindi man lang na-nominate ang bida ng “FPJ’s Batang Quiapo” at naikumpara pa sa Korean actor na si Yo Min-Goon na leading lady ni Bela Padilla sa pelikulang “‘Yung Librong Napanood Ko”.

“Unfortunately, you can’t please everybody! Hindi naman sinasabing discounted siya (Coco), it’s just that naging mahirap para sa amin ‘yung desisyon and believe it or not it’s not an easy for us to come up with this result. This is for the best and at the end of the day, this is for the industry.

“If you feel bad, that’s normal and that’s natural and I know that feels, so, now naiintindihan ko kung mayroon mang masama ang loob,” katwiran pa ng Golden Globe nominee.

Speaking of Coco M ay wala naman kaming narinig pang reaksyon nito na hindi siya napasama sa mga nominado at kung tama ang pagkakakilala namin sa aktor ay mas nalungkot siya na hindi napabilang ang pelikulang APAG sa mga nominado for Best Picture at ang direktor nitong si Brillante Mendoza na hindi rin nakasama sa kategoryang Best Director.

Baka Bet Mo: Ending ng Summer MMFF entry ni Coco Martin na ‘Apag’ shocking; Brillante Mendoza ibinuking si Aljur Abrenica

Knowing Coco, mas concerned siya sa mg aka-trabaho niya sa industriya kaysa sa sarili niya dahil para sa kanya ay okay nasa magandang puwesto na siya.

Speaking of “FPJ’s Batang Quiapo” ay trending ang dream sequence ni Mokang na may kissing scene sila ni Coco as Tanggol dahil talagang naglapat ang mga labi nila at kaliwa’t kanan ding na-post sa social media ang videos nito na pinik-ap ng ibang content creators.

Paggising ni Mokang ay galit nag alit siya sa napanaginipan niya, bangugot daw ang dulot ni Tanggol, pero napapangiti naman siya pag naalala niya at lagi siyang ipinangtatanggol nito sa maitim na balak ni JP played by Dino Guevarra.

Related Chika:
Gladys emosyonal sa premiere night ng ‘Apag’, di nagpatalbog kay Coco: ‘Sana napanood talaga ‘to ng tatay ko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending