Zephanie mas nag-mature, nagsusuot na ng mga sexy outfits; Babaerong aktor bantay sarado sa palabang dyowa Bandera

Zephanie mas nag-mature, nagsusuot na ng mga sexy outfits; Babaerong aktor bantay sarado sa palabang dyowa

Reggee Bonoan |September 01,2023
share this

Zephanie mas nag-mature, nagsusuot na ng mga sexy outfits; Babaerong aktor bantay sarado sa palabang dyowa

Reggee Bonoan - September 01, 2023 - 07:53 PM

Zephanie mas nag-mature, nagsusuot na ng mga sexy outfits; Babaerong aktor bantay sarado sa palabang dyowa

ISA pang talent ng Cornerstone Entertainment na tila kumakawala na rin sa pagiging wholesome, ang singer na si Zephanie Dimaranan or Zephanie.

Dumalo kasi ang 2019 Idol Philippines grand winner sa nakaraang Vogue Philippines Gala 2023 nitong Martes, Agosto 29 na ginanap sa Shangri-La BGC at ka-date niya ang kapwa niya Sparkle Artist na si Michael Seger.

Ang kilalang fashion designer na si Francis Libiran ang gumawa ng sexy outfit ni Zephanie na may ‘pasilip’ sa bahagi ng katawan ng dalaga.

Nagulat kami sa suot ni Zephanie na kilalang konserbatibo na kahit kabilang siya sa Gen Z ay masasabing siya ang option among her generations kasi nga laking probinsya at hindi naman din ito naglalabas para gumimik.

Bahay-eskuwelahan kasi ang ruta noon ni Zephanie lalo’t nae-enjoy niyang laruin ang marami nilang alagang dogs.

Sa edad nitong 20 ay kailangan na rin niyang makipagsabayan sa pananamit lalo’t ang industriyang kinabibilangan niya ngayon ay laging humaharap sa kamera at maraming events na dinadaluhan bukod pa sa mga gigs niya sa labas ng bansa.

Natutuwa kami sa pag-evolve na ito ni Zephanie na ito rin ang nabanggit namin noon sa handler niyang si Cynthia Roque na baguhin na ang kanyang pananamit dahil nga mukhang ‘manang’ para sa amin.

* * *

Babaerong aktor hindi makagala ngayon dahil bantay-sarado ng girlfriend na palaban.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Zephanie walang isyu sa isa’t isa, nagbeso nang magkita sa isang event

Kilala ang aktor sa pagiging babaero dahil sa bawa’t lugar na puntahan niya ay nagkakaroon siya ng one-night stand at pati sa mga shows na kabilang siya ay may on the side rin.

Sa kasalukuyan ay may ginagawang programa ang babaerong aktor na hindi naman lock-in kaya wala siyang choice kundi araw-araw ding uuwi sa bahay nila ng girifriend na kasama na niya sa bahay.

Kapag nasa lock-in shoot siya ay asahang may katabi siyang matulog sa kuwarto at hindi ang girlfriend niya iyon.

Heto ang tsika ng aming source, “May gustung-gusto siyang girl na may photo shoot sa ibang bansa at okay naman sa girl kung ka-join siya kasi dati naman na rin silang nagkasama, e, isang linggo pala, so hindi makakasama lolo mo kasi unang-una hindi niya alam kung ano ang ipapaalam niya kay (girlfriend).

“’Yung ginagawa niyang show dito, e, wala namang eksenang gagawin sa ibang bansa kaya hayun hinayang na hinayang. Magkita na lang daw sila pagdating nu’ng girl, e, parang magtatagal pa kasi segue ng Europe para sa ibang event naman.”

Na-intriga kami kung sino itong girl na gusto ng babaerong aktor, “commercial model, hindi naman knows ng iba, maganda siya at madatung.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Mahusay na aktor nagiging madaldal kapag nakakainom, pinagbawalang lapitan ang anak?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending