Zephanie hindi raw 'stable' sa GMA-7, fans nakukulangan sa exposure? | Bandera

Zephanie hindi raw ‘stable’ sa GMA-7, fans nakukulangan sa exposure?

Therese Arceo |January 12,2023
facebook
share this

Zephanie hindi raw ‘stable’ sa GMA-7, fans nakukulangan sa exposure?

Therese Arceo - January 12, 2023 - 08:39 PM

Zephanie hindi raw 'stable' sa GMA-7, fans nakukulangan sa exposure?

MARAMI sa mga fans at supporters ng singer na si Zephanie ang hindi natutuwa dahil tila kulang ang exposure na ibinibigay ng kanyang home network sa kanya.

Wala pang isang taon buhat nang magdesisyon ang dalaga na lumipat sa GMA-7 mula sa Kapamilya network ay marami nang mga hinaing ang kanyang fans.

Sa GMA Singers YouTube channel kung saan naka-upload ang naging guesting ni Zephanie sa “The Boobay and Tekla Show” ay marami sa mga supporters ng dalaga ang naglabas ng hinaing.

Sa naturang video ay kumanta ang young singer ng “Amakabogera” na originally kinanta ng Kapamilya star na si Maymay Entrata.

Kahit na maganda ay magaling ang pagkakaawit ni Zephanie ay naghahangad pa rin ang kanyang mga fans ng mas maraming exposure ng dalaga sa TV na mababasa sa comment section ng naturang video.

“Sad ako sa paglipat ni Zeph. Wala siyang segment sa AOS. Pinag-Queendom siya then inalis, Super Champion pawala-wala. She deserves to have a segment na matatag. Nakakahiya lumipat yung tao at pinili ang GMA pero nga nga pala opening lang sinasama palagi? Sana magkaroon siya ng sariling segment like young divas with Golden and Vianna. Nasasayang ang talent ni Zeph,” mahabang hinaing ng isang fan.

Sey naman ng isa pa, “I don’t know pero ang unstable ng position ni Zephanie sa GMA. Minsan nasa queendom, minsan sa champs, minsan sa sayaw, minsan solo na lang. Parang saan saan na lang tinatapon para di ma out of place, kahit anong performance na lang. Unlike nong sa Asap pa siya, she’s always with new gen divas.”

“Bigyan ito at si Thea ng singing serye please lang! Wag nyong sayangin!!!!” hirit pa ng isang netizen.

Matatandaang unang nakilala si Zephanie matapos itong maging grand champion sa first season ng “Idol Philippines” ng ABS-CBN noong 2019.

Sa kabila ng kanyang paglipat ng network ay forever grateful naman ang dalaga sa kanyang “Idol Philippines” journey na naging daan para maabot ang kanyang pangarap at hindi niya ito malilimutan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zephanie (@zephanie)

“Masayang-masaya po ako na naging part ‘yun ng life ko and ‘yun po ‘yung isa sa mga reason na nagde-describe kung sino po ako ngayon,” saad ni Zeph noon sa isang media conference.

Dagdag pa niya, “I am who I am today because of what I’ve experienced before.”

 

Related Chika:
‘Idol Philippines’ winner Zephanie ganap nang Kapuso

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice kinuyog ng fans ni Zephanie, pinagsabihan ni Cristy: Nasasabi niya ‘yan dahil milyonaryo siya, marami siyang pera

Vice Ganda, Zephanie walang isyu sa isa’t isa, nagbeso nang magkita sa isang event

Idol PH Zephanie Dimaranan binago ang look; umaming ‘crush’ sina Inigo at Darren

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending