'Idol Philippines' winner Zephanie ganap nang Kapuso Bandera

‘Idol Philippines’ winner Zephanie ganap nang Kapuso

Therese Arceo |April 01,2022
share this

‘Idol Philippines’ winner Zephanie ganap nang Kapuso

Therese Arceo - April 01, 2022 - 01:23 PM

Idol Philippines winner Zephanie ganap nang Kapuso

GANAP nang Kapuso ang singer at songwriter na si Zephanie matapos nitong pumirma ng kontrata sa Sparkle (dating GMA Artist Center) kahapon, March 31.

Masaya naman siyang winelcome ni Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara sa kanyang contract signing.

Present rin sa naturang contract signing ni Zephanie sina Also Sparkle Senior Talent Manager Vic del Rosario at Cornerstone President and Managing Director Erickson Raymundo.

“We are very happy to welcome Zephanie to the Sparkle family. She will be singing the Summer theme for Sparkle so we hope everyone will watch out for that! Her Kapuso family is also excited to welcome Zephanie in All Out Sundays this Sunday. We really want to harness the powerhouse talent of Zephanie, to watch her grow as an artist, and to see her in more programs and projects in GMA”, saad ni Gigi Santiago-Lara.

Nang tanungin naman siya kung saan siya excited para sa bagong chapter ng kanyang career, inamin ng dalaga na nais niyang sumubok ng ibang bagay gaya ng pag-arte.

“I want to learn and experience new things,” saad ni Zephanie.

 

 

Inamin niya rin na nais niyang makatrabaho sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Mark Bautista, Aicelle Santos at Lani Misalucha.

Panigurado namang mapapanood si Zephanie sa noontime musical-variety show tuwing Linggo na “All Out Sundays”.

Bago ang kanyang pagiging Kapuso ay nakilala si Zephanie bilang Kapamilya star dahil 2013 pa lamang ay lumalabas na siya sa ABS-CBN shows gaya ng “Wansapanataym”.

Noong 2015 naman ay sumali siya sa “The Voice Kids” bilang parte ng Team Sarah at sumali rin siya sa “Tawag Ng Tanghalan”, isang singing contest segment sa “It’s Showtime”.

Pero taong 2019 nang tuluyang lumikha ng pangalan si Zephanie matapos itong manalo sa “Idol Philippines”. Naging parte rin ang dalaga ng “ASAP Natin ‘To” kasama sina Elha Nympha at Janine Berdin bilang mga “Next Gen Divas”.

 

Related Chika:
Idol PH champ Zephanie walang bonggang debut party pero nakatanggap ng b-day pasabog

Idol PH Zephanie Dimaranan binago ang look; umaming ‘crush’ sina Inigo at Darren

Zephanie ibang-iba ang naging selebrasyon ng Pasko: Ngayon lang uli kami nagpalitan ng regalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending