Idol PH champ Zephanie walang bonggang debut party pero nakatanggap ng b-day pasabog | Bandera

Idol PH champ Zephanie walang bonggang debut party pero nakatanggap ng b-day pasabog

Reggee Bonoan - March 23, 2021 - 02:36 PM

WALANG ginanap na engradeng debut party para sa 18th birthday ng grand winner ng “Idol Philippines” (2019) na si Zephanie Dimaranan noong Peb. 14.

Ito’y dahil pa rin sa COVID-19 pandemic pero okay lang ito sa dalaga dahil mas mahalaga pa rin aniya ang kalusugan para sa lahat.

Pero hindi nagpabaya ang Cornerstone family ng Kapamilya singer dahil sinorpresa siya nitong Marso 14 na ginanap sa Cornerstone Studio kasama ang ilang kaibigan (ang lahat ng dumalo ay dumaan sa swab testing).

Kuwento ni Zephanie, sinabi lang ng road manager niyang may pupuntahan silang look-test.

“Hindi pala totoo ‘yun!” tumawang sabi ng dalaga. “Tapos nu’ng sinabing magga-glam (magsuot ng magandang damit) may feeling ako na hindi talaga related sa look-test kasi parang weird tapos late na (oras).

“Ang dami kong nakitang signs kaya tinanong ko si mama kung magko-contract (pipirma) basta hindi ko alam paano explain, na feel ko tapos pasikreto silang nag-uusap sa kuwarto, sinasarado nila ‘yung pintuan.

“”Thank you so much po sa lahat ng taong nasa likod ng surprise na ito at super na-appreciate ko dahil hindi na ako nag-e-expect ng celebration.  Mabigay lang sa akin ni Lord ‘yung another year to spend with my family okay na.

“At more than that ang ibinigay niya kaya thank you so much sa lahat ng taong ginamit ni Lord for this, Cornerstone, sa family ko, sa Zephanatics, sa Kumuzens thank you,” naluluhang sabi ng dalaga.

Samantala, sa nakaraang HIMIG 11th Edition grand finals night noong Marso 21 ay may pahabol na regalo pa kay Zephanie dahil nakamit niya ang TFC (The Filipino Channel) Global Choice at MOR Entertainment Choice Awards kasama ang kompositor na si SJ Gandia para sa awiting “Tinadhana Sa ‘Yo”.

Ayon sa dalaga, “I’m super grateful and I feel so blessed na nakakuha ng dalawang awards yung song na in-interpret ko which is ‘Tinadhana Sa ‘Yo.’ I think mako-consider ko itong dalawang special awards na ito na medyo challenging kasi talagang ‘yung effort ng mga supporters at ng mga tao yung kailangan namin para dito.

“Sobrang natutuwa ako talaga sa Zephanatics at sa lahat ng mga nanuod at nag-like and share at bumoto para sa award na yun. So, thank you everyone,” aniya pa.

Pawang Cornerstone artists ang nakalaban ni Zephanie sa HIMIG 11th Edition tulad nina Kyle Echarri, Bugoy Drilon, KZ Tandingan at Moira dela Torre.

“I think since ito yung first time ko, siyempre parang bago ako rito sa Himig and I think yung challenging na part wala masyado, siguro du’n lang sa part na sarili ko na ‘yung pressure or yung thought na kailangan magandahan o ma-give ko yung best ko sa interpretation ko du’n sa song.

“Every time nagpo-promo kami for Himig of course gusto ko ipakita kung gaano talaga kaganda yung song na ‘Tinadhana Sa ‘Yo.’ Yun lang ‘yung challenging na part and du’n sa recording kasi yung song medyo hindi pa din ako nakaka-experience ng ganung kind of love na seryoso na na-heartbreak ka, ganu’n.

“Yun yung naging challenging na mga moments sa Himig but yung iba sobrang na-enjoy ko. I think isa ito sa mga babalik balikan ko and sobrang amazing na experience na nabigay sa akin,” mahabang pahayag pa ni Zephanie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si KZ ang grand winner sa HIMIG 11th Edition sa awiting “Marupok” na isinulat Daniella Ann Balagtas at tumanggap naman ng special awards para sa Most Streamed Song ang “Kahit Kunwari Man Lang” na in-interpret ni Moira dela Torre at ng Agsunta na isinulay naman ni David Mercado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending