Public official sa 'wanted' sa mga taga-QC, maraming pangakong napako | Bandera

Public official sa ‘wanted’ sa mga taga-QC, maraming pangakong napako

Reggee Bonoan - August 31, 2023 - 04:59 PM

Public official sa 'wanted' sa mga taga-QC, maraming pangakong napako

HINAHANAP ng mga constituents  ang ibinoto nilang public official sa Quezon City dahil nga maraming nangangailangan ng tulong lalo na ngayong sunud-sunod ang bagyo at pagbaha sa kanilang lugar.

Nang kumakandidato raw kasi ang nanalong public official ay maraming ipinangakong ipapaayos sa sinasakupan nitong lugar sa Quezon City pero hanggang ngayon daw ay nakatiwangwang pa rin.

Ang kuwento ng aming source, “Siyempre gustong makakuha ng sagot ‘yung mga tao kaya pinuntahan siya sa opisina niya at may nagsabi na hindi naman daw pumapasok si ____ (public official).

“Kasi laging may official business sa labas daw para sa mga projects niya. Siguro may ilang linggong binabalikan si ____ (public official) ng leader ng nasasakupan niya, hindi sila magtagpo,” sabi sa amin.

Dagdag pa, “Ilang linggo ba ang official business meeting niya outside the office, inaabot ng maghapon? Hindi makadaan ng opisina?”

Nabanggit pa na isa sa staff ng nasabing public official ay may sama ng loob.

“Inabot ng gabi sila sa office at mahirap sumakay kaya isinabay ni (public official) ‘yung babaeng staff niya dahil pareho yata sila ng way ng uuwian. Nagkaroon ng diskusyon between kay Ate Gurl (staff) at kay ____ (public official), hayun napikon lolo mo, pinababa si ate gurl sa lugar na hindi safe, madilim kasi gabi na mga 10 to11 p.m.

Baka Bet Mo: Lagot sa legal wife: Matulis na aktor may 2 kabit, niregaluhan pa ng bahay ang isang ‘sugar baby’ na aktres

“Siyempre si Ate gurl tumawag sa kanila at sinabing sunduin siya kasi mahirap sumakay saka delikado ‘yung lugar kaya tumambay siya muna sa isang tindahan habang waiting sa sundo niya.

“Imaginin mo? Pababain ka ng ganu’n oras? Hindi safe ‘yung lugar, paano kung may nangyari do’n kay Ate gurl? Pasalamat na lang at wala. Kaya ang sama-sama talaga ng loob niya dito,” detalyadong kuwento ng aming source.

Hindi namin naisip na may ganitong ugali ang public official dahil pawang magaganda ang nababasa namin sa kanya sa social media at pahayagan bukod pa sa may mga isinusulong siyang proyekto.

“Ano ba, puro nga praise releases di ba? Hindi mo alam?” balik-tanong sa amin.

Hindi namin personal na kilala ang public official kaya wala kaming masasabi pero balita namin ay okay naman daw siyang makisama sa lahat.

“Politiko natural lahat pakikisamahan saka ngingitian at kakamayan,” sabi pa ng aming source.

Well, lesson learned na ito sa mga constituents niya na sa susunod na ligawan ulit sila para sa boto ay isipin nila ang mga pangakong napako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iba Pang Blind Items:
Sikat na aktor mareklamo sa shooting kaya bad-trip ang mga katrabaho: ‘Sobrang nakaka-stress siya!’

Mahusay na aktor nagiging madaldal kapag nakakainom, pinagbawalang lapitan ang anak?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending