Sikat na aktor mareklamo sa shooting kaya bad-trip ang mga katrabaho: 'Sobrang nakaka-stress siya!' | Bandera

Sikat na aktor mareklamo sa shooting kaya bad-trip ang mga katrabaho: ‘Sobrang nakaka-stress siya!’

Reggee Bonoan |July 04,2023
facebook
share this

Sikat na aktor mareklamo sa shooting kaya bad-trip ang mga katrabaho: ‘Sobrang nakaka-stress siya!’

Reggee Bonoan - July 04, 2023 - 05:53 PM

Sikat na aktor mareklamo sa shooting kaya bad-trip ang mga katrabaho: 'Sobrang nakaka-stress siya!'

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

MABAIT at magalang sa amin ang kilalang aktor, palibhasa kaibigan namin ang manager niya kaya hindi namin nakitaan ng kakaibang ugali kapag ibang tao na ang kaharap.

Nakaka-stress siya!” ang ilang beses naming narinig sa mga nakaka-work ng kilalang aktor na hindi naman kinukuwestiyon ang kapasidad niya sa pag-arte dahil mahusay naman talaga pero bilang palang sa mga daliri ng kanang kamay ang tropeo niya.

Maraming reklamo sa production staff ang kilalang aktor at kapag hindi agad naibigay ang gusto ay nagmamaktol na feeling siya lang ang bida sa shoot ng series na malapit nang ipalabas sa sikat na network.

Kuwento ng manager ng co-actor ng kilalang aktor, “First time naming maka-work, ganyan pala siya, hindi makapaghintay, e, siyempre maraming inaasikaso ‘yung staff.

“Gusto niya siya dapat ang unahin pagdating niya sa set, e, lagi namang late. Alam kaya ito ni _____ (manager ng aktor), kasi sa pagkakaalam ko mahigpit sa oras ‘yun,” sabi pa ng aming source.

May dahilan kung bakit laging late ang kilalang aktor dahil may mga segue-segue pala ito at kahit walang tulog basta’t kikita siya ay go lang nang go.

Baka Bet Mo: Hirit ni Heart: ‘I would never ever make taray on someone especially if he’s like a guard or server…’

Tinanong tuloy namin ang manager niya kung aware siyang laging late ang kanyang alaga, “Oo nga, nakakarating naman sa akin. Taka nga ako, eh.

“May mga bookings na hindi ko alam pero sabi naman ng handler niya hindi ako nasabihan kasi sumegue pero nasa sked naman daw kaya tsine-tsek ko.  maraming dahilan, eh, ayoko ng lumaki pa ang isyu,” say ng manager ng kilalang aktor.

Inisip namin na baka may malaking obligasyon ang kilalang aktor dahil nga mahigit isang dekada na siya sa showbiz industry ay ngayon palang siya nakapag invest para sa pamilya niya.

Sabagay hindi rin naman kasi kalakihan ang talent fee niya kung ikukumpara sa mga kasabayan niya na ngayon ay ilang bahay at lupain na ang naipundar, negosyo at mga sasakyan.

Hirit kaagad ng manager niya, “E, alam mo naman kung saan napunta dati mga kinikita niya, di ba?”

Oo nga alam naman namin. Ha-hahaha!  Sabagay bata pa naman ang kilalang aktor kaya kayang-kaya pa niyang humataw sa pagtatrabaho kahit ilang araw na walang tulog.

Hmmmm, makumusta nga si kilalang aktor kapag nagkita kami.

Sikat na leading man pakembot-kembot na rumarampa sa mall habang may kasamang lalaki

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang aktor bano pa ring umarte kahit nakailang workshop na, mabait lang kaya hindi nawawalan ng projects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending