Photographer ibinuking ang ugali ni Dimples Romana: 'Hindi ko alam na ganu'n pala siya' | Bandera

Photographer ibinuking ang ugali ni Dimples Romana: ‘Hindi ko alam na ganu’n pala siya’

Alex Brosas |August 31,2023
facebook
share this

Photographer ibinuking ang ugali ni Dimples Romana: ‘Hindi ko alam na ganu’n pala siya’

Alex Brosas - August 31, 2023 - 07:29 AM

Photographer ibinuking ang ugali ni Dimples Romana: 'Hindi ko alam na ganu'n pala siya'

Dimples Romana

SOBRANG na-appreciate ng isang photographer named Bella Morcen ang kabaitan ng “The Iron Heart” star na si Dimples Romana.

Isang appreciation post ang kanyang inilagay sa kanyang Instragram account kung saan idinetalye niya ang kanyang naging magandang karanasan kay Dimples.

Isang photo ang ipinost ni Bella sa kanyang Instagram page kung saan nakaupo sa lapag ang “The Iron Heart” actress habang nakaharap sa isang malaking salamin.

“This is Dimples Romana, if you don’t know her.. isa lang naman siya sa pinakamagaling na Actress sa Pilipinas,” say ni Bella.

Then, itsinika niya kung paano siya nagkakilala ni Dimples.

“We met online sa isang Zoom meeting year 2021 because of Kim Molina & Jerald Napoles kasi may ipapagawa si Ms. Dimps.

“Tapos naalala ko nakailang video calls na kami.. napag usapan namin yung mga gagawin namin then may kasamang chikahan pero more of marami ako natututunan sa kanya kaya sabi ko kay Kim, sobrang thank you dahil pinakilala niya ako kay Ms. Dimps,” chika pa ni Bella.

“Hindi ko alam na ganu’n pala siya katalino, kabait, full of wisdom at hindi siya madamot mag
-share. Sobrang sipag din niya tulad ng ibang Celebrities na naging client ko narin kaya bilib din ako sa kanya,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


“Last Thursday, finally nagkita na kami!  Pinuntahan niya ako sa @studiomorcen kahit taga South siya, before siya mag work sa ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Kakai Bautista sinupalpal ang nagsabing mag-anak siya para may taga-alaga pagtanda: Kaya kong magbayad ng mag-aalaga sa akin

“Sabi ko, ‘buti nasingit mo ‘to sa sched mo Ms. Dimps, grabe di ako makapaniwala’, then tumatak sakin yung sagot niya, ‘no, I made time for you, willing to help!’ Medyo nag-melt ako doon,” say pa ni Bella na hindi makapaniwalang bibigyan siya ng time ng aktres.

“Why I uploaded this photo? Natuwa ako sa kanya kasi dumating siya sa studio mag isa, no driver, no P.A, no make up artist, siya lang mag isang buhat mga gamit niya.

“Tapos niyayaya ko siya sa labas ng changing room namin para sa table ng make up area namin siya mag ayos. Sabi ko bakit ka nasa sahig, pero natawa ako ng slight.

“Sabi niya, mas comfy daw siya doon. So need ko na talaga bumili ng upuan sa changing room. Walang arte itong tao na ‘to and walang ka ere ere, para ka lang nakikipag usap sa tropa mo. Grateful for you Ms. Dimps and we really appreciate you!” say pa ng photographer.

Kim Chiu hindi nakapagpigil sa bashers, nag-sorry sa mga animal lovers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jolina Magdangal sa saglit na pagkakawalay sa anak: Sana mag grow ang heart nya na mas lalo pa syang maging mabuting bata

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending