Kiray Celis ibinandera ang bagong biling sasakyan: Reward ko sa sarili ko | Bandera

Kiray Celis ibinandera ang bagong biling sasakyan: Reward ko sa sarili ko

Therese Arceo |August 30,2023
facebook
share this

Kiray Celis ibinandera ang bagong biling sasakyan: Reward ko sa sarili ko

Therese Arceo - August 30, 2023 - 08:00 PM

Kiray Celis ibinandera ang bagong biling sasakyan: Reward ko sa sarili ko
PROUD ang actress-comedienne na si Kiray Celis sa kanyang biniling sasakyan.

Sa kanyang social media pages ay ibinandera ng dalaga ang pinakabagong mamahaling sasakyan na nabili niya para sa sarili.

“Gulatin mo yung mga walang bilib sayo. Ipakita mo kung sino ka,” pabirong saad ni Kiray.

Dagdag pa niya, “Meet ‘PRIMO’ my new baby!”

Para kay Kiray, ito na raw ang tamang panahon para regaluhan o i-reward niya ang kanyang sarili matapos ang ilang taong pagiging abala sa trabaho at pagpo-provide para sa kanyang pamilya.

Noon pa man ay naikukuwento na ni Kiray na bata pa lang siya ay nagtatrabaho na siya bilang artista at ang naging priority niya para magsikap ay ang kanyang pamilya.

“Dahil ‘Family First’ ang motto ko sa buhay, sa isip ko laging sila ang priority. Kahit wag muna ako. Basta makatulong at makapagbigay ako, gagawin ko,” pagbabahagi ni Kiray.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Kiray Celis niregaluhan ng P1-M ang ina bago pa mag-celebrate ng 58th birthday, pero binigyan ng warning ng netizens

Pagbabahagi pa niya, “Pero this time.. i think eto na yung right time. Para reward ko yung sarili ko sa ilang taong pagtratrabaho ko.”

At ngayon ngang marami na rin naipundar at naibigay si Kiray sa kanyang pamilya ay gusto naman niyang bigyan ang sarili ng reward.

“Regalo ko napo ito sa sarili ko at maipaalala sa sarili ko, na basta nagsisikap at nagsisipag ka, kaya lahat!

“Makukuha lahat! Matutupad lahat! Isa palang po ito sa mga pangarap ko sa buhay,” sey ni Kiray.

Gusto rin niyang pasalamatan ang lahat ng mga taong naging dahilan para matupad niya ang kanyang mga pangrap lalo na ang pangarap ng kanyang pamilya.

“Nagsisimula palang ako kaya gusto ko kayong pasalamatan lahat. Mapa heart sa status ko o bash sa sa mga post ko, lahat yun counted. WALA TO KUNG HINDI DAHIL SAINYO. Maraming maraming salamat po,” sabi pa ni Kiray.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kiray: ‘Hindi ko naman talaga pangarap sumikat, gusto ko lang magkaroon ng pera para sa pamilya ko’

Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending