Ogie Diaz hanga sa hindi pagbitaw ni Vice Ganda kay Awra sa kabila ng kinasasangkutang isyu | Bandera

Ogie Diaz hanga sa hindi pagbitaw ni Vice Ganda kay Awra sa kabila ng kinasasangkutang isyu

Therese Arceo - August 25, 2023 - 12:00 PM

Ogie Diaz hanga sa hindi pagbitaw ni Vice Ganda kay Awra sa kabila ng kinasasangkutang isyu

HINANGAAN ng talent manager na si Ogie Diaz ang hindi pagbitaw ni Vice Ganda sa alagang si Awra Briguela sa kabila ng mga pinagdaraanan nitong isyu.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng madla ang kasong kinakaharap ngayon ni Awra matapos itong masangkot sa gulo sa isang bar sa Poblacion, Makati.

At sa kanyang latest “Ogie Diaz Showbiz Update” vlog ay ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa kaibigan at kapwa talent manager sa patuloy na pagsuporta at pagmamahal ni Vice sa alaga.

Unang pumutok ang balita ukol kay Awra noong July 29 kaugnay ng gulong kinasangkutan nito king saan pansamantala rin siyang nanatili sa kustodiya ng pulisya.

At dahil nga hindi biro ang kinasangkutan nito at may mga kasong isinampa kay Awra ay may mga chikang bibitawan ni Vice ang alaga bagay na hindi raw totoo sabi ni Ogie. Maski si Vice mismo ay nilinaw na wala itong katotohanan.

“Ako, hahangaan ko dun si Vice. Kasi ganun naman talaga. ‘Pag ikaw manager talaga. Sa lahat ng pagkakataon, kailangan andun ka sa alaga mo.

“Dahil ‘yun ang aasahan sa’yo ng alaga mo. In the same manner din ‘yung manager din aasahan ‘yung alaga niya na dapat behave ka para hindi tayo matrobol,” saad ni Ogie.

Baka Bet Mo: Vice hinding-hindi iiwan si Awra pero inaming pinagpahinga muna: ‘Para mahimasmasan, ako rin pahuhupain ko kasi galit ako, mainit din ang ulo ko’

“So itong pagkakataong ito na hindi binitiwan ni Vice si Awra, kahanga-hanga ‘yon bilang manager si Vice,” pagpapatuloy pa ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa kabila nito ay nagbigay paalala ang talent manager sa mga artista na ang pagiging talent ay may kaakibat na responsibilidad.

“Pero siyempre, ‘di tayo natatapos ‘dun. Dapat ‘pag ‘di ka binitiwan, dapat everyday nagiging better ka,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Dapat, iiwasan mo na yung kung ano ‘yung feeling mo traumatizing sa’yo. At ‘yun nga ang nangyari… Bilang ako rin ay manager, maganda ‘yun. Kahanga-hanga ‘yung kay Vice.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Ogie Diaz may pa-‘blind item’, sino kaya ang 2 artista na nang-ghost sa kanya?

Ogie Diaz may pinaringgang ‘host’: ‘Wag ka masyadong dependent sa teleprompter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending