Buboy Villar: Piliin maging better kaysa maging bitter | Bandera

Buboy Villar: Piliin maging better kaysa maging bitter

Therese Arceo - August 24, 2023 - 05:21 PM

Buboy Villar: Piliin maging better kaysa maging bitter
ISANG paalala ang ibinahagi ng Kapuso actor-comedian na si Buboy Villar sa kanyang mga followers.

Nitong Miyerkules, August 23, nag-post ang aktor sa kanyang Threads account ng maikli ngunit malaman na mensahe ukol sa pagiging positibo sa buhay.

“PILIIN MAGING BETTER KAYSA MAGING BITTER,” saad ni Buboy.

Marami naman ang sumang-ayon sa post ng Kapuso star lalo na sa panahon ngayon kung saan karamihan ng mga nangyayari sa buhay ng isang tao ay ibinabahagi sa social media.

“Korek. Napakabuti mo at positive magisip. Sana all ganyan para sa ikauunlad ng buhay,” pagpuri ng isang netizen kay Buboy.

“Omsim [Mismo],” comment naman ng isa.

Ngunit kahit wala namang nabanggit na pangalan si Buboy sa kanyang post ay marami pa rin ang nag-ugnay ng kanyang post sa dating mga hosts ng “Eat Bulaga”.

Baka Bet Mo: Buboy Villar barag na barag sa bashers matapos tanggalan ng mic ang matandang nagpasalamat sa TVJ, tinawag na bastos at walang respeto

Matatandaang isa ang aktor sa mga napiling bagong hosts ng longest-running noontime program matapos magbitiw nina Vic Sotto, Tito Sotto, Joey de Leon maging ng iba pang mga hosts sa TAPE Inc.

Marami ang nagsasabi na tila pinariringgan ni Buboy ang mga dating hosts ng programa lalo na si Joey de Leon na panay rin ang paglalabas ng patutsada sa social media.

“Matanda na kasi si joey de leon bitter pa rin eh,” saad ng isang netizen.

Sey pa ng isa kay Buboy, “Tama nman sya..Cge tingnan natin kung mapapatunayan mo nga yan sa srili mo o bk hanggang patama lang yan ha?..Kya go go go… do it better not bitter.”

“Akala nya sya na magaling bastos nga sya,” chika pa ng isa.

Sa kasalukuyan ay isa sa mga segment na hino-host ni Buboy sa “Eat Bulaga” ay ang “G sa Gedli” kung saan kasama niya ang dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno sa pamimigay ng papremyo sa mga Pilipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jose Manalo ibinuking si Buboy Villar: Tumawag sa akin, umiiyak talaga

Rendon Labador kinuwestiyon ang pagbili ni Buboy Villar ng bagong kotse, may matinding banat sa ‘Eat Bulaga’ ng GMA 7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending