Rendon Labador kinuwestiyon ang pagbili ni Buboy Villar ng bagong kotse, may matinding banat sa 'Eat Bulaga' ng GMA 7 | Bandera

Rendon Labador kinuwestiyon ang pagbili ni Buboy Villar ng bagong kotse, may matinding banat sa ‘Eat Bulaga’ ng GMA 7

Ervin Santiago - June 19, 2023 - 11:22 AM

Rendon Labador kinuwestiyon ang pagbili ni Buboy Villar ng bagong kotse, may matinding banat sa 'Eat Bulaga' ng GMA 7

Rendon Labador at Buboy Villar

HINDI rin nakaligtas ang Kapuso TV host-comedian na si Buboy Villar sa matatalim na salita ng motivational speaker na si Rendon Labador.

Isa si Rendon sa mga nag-react sa pagpe-flex ng bagong “Eat Bulaga” host ng bagong biling sasakyan na produkto raw ng kanyang walang humpay na pagtatrabaho at pagraket nang bonggang-bongga.

Ibinandera ito ni Buboy sa latest vlog niya sa kanyang YouTube channel kung saan super proud nga niyang ipinangalandakan sa publiko na natupad na sa wakas ang matagal na niyang pinapangarap.

“Gusto ko lang i-share sa inyo ang isa sa magandang blessing sa akin…ang bago kong kotse. So sa lahat ng pinaghirapan ko simula ‘nung nakaraan kong trabaho ay nakaipon tayo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kaya ako bumili kasi ‘yung anak ko na si George, alam kong lumalaki na at ‘yung anak kong si Vlanz ay malaki na rin. So maliit para sa tatlo doon sa kotse ko,” aniya sa kanyang vlog.

Sa comments section ng kanyang vlog, feeling ng netizens regalo raw ng TAPE Incorporated kay Buboy ang nasabing sasakyan bilang bagong host ng “Eat Bulaga.” May nagkomento naman na nakabili ang komedyante ng bonggang car dahil sa laki ng talent fee niya sa “EB.”

May mga bashers namang nangnega sa pagpe-flex ni Buboy ng kanyang newly-purchased car at isa na nga riyan ang controversial social media personality na si Rendon Labador.

Baka Bet Mo: Buboy nagtatrabaho, nagsasakripisyo para sa mga anak na nasa US: Iba pa rin yung naaamoy at nayayakap mo sila

Hirit ni Rendon kay Buboy, “Paano mo natitiis ang mag flex ng bagong sasakyan habang questionable ang pagpili ninyo sa contestant ng show ninyo? Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?”

May mga kumontra kay Rendon pero meron ding sumang-ayon sa kanyang komento. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens.

“Si Rendon ang dahilan kung bakit ako nakalakad uli. I had a motorcycle accident 2yrs ago and sobrang lala ng pangyayari na yon to the point na di na talaga ako makalakad. Simula nung napanood ko sa smart tv namin ang video ni Rendon nakatayo ako at nakalakad para patayin ang tv namin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Rendon Labador I know happy ka sa ginagawa mo, pero i hope happy dn sa loob mo.”

“Deserveeeee! Next time lang wag magcroptop. Charrrrr! We love you Buboy Villar.”

“Go lng Buboy ,wag intindihin ang mga bashers, di ka nila mabibigyan ng ganyang sasakyan kung padadaig ka sa kanila, work lng ng work mapapagod din ang mga bashers.”

“Bok nand2 lng kmi solid sayo lagi kita ipgtatanggol s mga basher ..tuloy mu lng yan  pangarp mo.”

“Ako ipaglaban ko din c boboy sa kaibutiran nang aking ngalangala hahamabait c boboy.”

“Rendon Labador Dasal at tyaga daw boss hahaha baka Pang uuto at pangluluko. Iba talaga pag may tauhan sa paresan!”

Buboy Villar proud sa naipundar na kotse, bumili upang makasama ang 2 anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeline niregaluhan ng motor at kotse ang dating dyowa: OK lang naman kasi mahal ko….

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending