Online sensation Cocomelon ‘inalog’ ang mundo ng franchising
ISA nang proud franchisee ng Siomai King ang online sensation na si Cocomelon.
Ang TikTok sensation, na Trixie Lalaine Fabricante sa tunay na buhay, ay hindi na bago sa pagnenegosyo.
Nakapagsimula na siya ng isang vape shop, dog breeding at distributor na rin ng pet shampoo.
Binuksan ni Cocomelon, na isa rin model, artista at dancer, ang kanyang Siomai King food cart sa South Signal Village sa Taguig City.
Pag-amin niya, siya ang “breadwinner” ng kanilang pamilya at umaasa siya na ang tagumpay ng kanyang Cocomelon Vape Shop at Cocomelon Madrecacao, isang dog shampoo line.
Baka Bet Mo: Kumikitang negosyo sa gitna ng MECQ handog ng Siomai King
At tiyak na hindi mabibigo si Cocomelon sa kanyang bagong negosyo dahil nasa likod niya at buo ang suporta sa kanya nina House of Franchise (HOF) founders, Jonathan So at Carlito Macadangdang.
Ang House of Franchise ang nasa likod ng Noodle House, Mang Boks, Boy Bondat, Burger Factory, Siopao Da King, Sgt. Sisig, at Potato King.
Naparangalan at patuloy ang paglago ng House of Franchise dahil sa kanilang unique progressive commission structure, na bukod sa pagbibigay ng mga insentibo sa kanilang distributors ay nagiging daan din ito para sa matagumpay na kinabukasan.
Related Chika:
Ivana Alawi pinakabagong miyembro ng Siomai King family
Dyowa ni Bugoy inokray, pati boobs nilait: Hindi mo kailangang magdyowa ng may malaking ‘cocomelon’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.