Kumikitang negosyo sa gitna ng MECQ handog ng Siomai King | Bandera

Kumikitang negosyo sa gitna ng MECQ handog ng Siomai King

- April 24, 2021 - 06:11 PM


MULI na namang sumailalim sa modified enhanced community quarantine ang NCR, pati na ang mga karatig probinsya gaya ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna na siyang tinatawag ngayong NCR-Plus Bubble sa biglang paglobo ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Matatandaan nitong mga nakalipas na Linggo, naglalaro mula 8,000 hanggang 15,000 na bilang ng mga bagong kaso, ang naitatala ng Department of Health bawat araw, dahilan para higpitan muli ang paggalW ng ating mga kababayan, para matulungang bumaba ang bilang ng mga bagong kasong naitatala.

Dahil dito, pansamantalang pinatigil muna ang mg trabahong hindi kabilang sa essential services industry, sa mga lugar na nasa MECQ.

Ayon sa PSA O Philippine Statistics Authority, matatandaan na simula noong tumama ang pandemya noong April, 2020, tinatayang mahigit sa 17% o 7 milyong manggagawang Pinoy ang nawalan ng trabaho.

Sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng mga Pinoy sa gitna ng pandemyang ito, meron ding mga magaganda at makabagong pagkakakitaang pwedeng subukan ng ating mga kababayan.

Angkop at patok ngayong MECQ sa masa ang tinatawag na “online franchise business” mula sa kilalang franchise brand na Siomai King na nakilala bilang kauna-unahang franchise brand, na nag-transition online.

Ang Siomao King ay 14 n taon nang nag-o-operate sa merkado at mayroon nang mahigit 1,000 outlets sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Matatandaang mabilis na nag-adapt ang Siomai King papunta sa kasalukuyang sistema nito, dahil sa layuning gusto nitong mabigyan ng maganda at alternatibong pagkakakitaan ang ating mga kababayan na nawalan ng trabaho sanhi ng pandemya.

Dahil sa “unique” na ideyang ito sa pagtransisyon sa onlinr platform at sa pagtulong sa ating mga kababayan sa makabagong pamamaraan, iginawad ang parangal ng “2020 FRANCHISE COMPANY OF THE YEAR”, mula sa prestihiyosong award giving body na Asia Leaders Award.

Makabago at abot kaya ang puhunang ino-offer ng Siomai King para sa mga magiging online franchisees nito.

Bawat online franchisees ay bibigyan ng sarili nitong shoplink o online store na siyang gagamitin para maka-order ang kanilang mga customer, online.

Bilang karagdagang tulong sa mga online franchisees nito, Siomai King na ang bahala sa warehousing, inventory, order processing, delivery at pati na rin yung pagproseso ng commission ng mga online franchisees nito sa tuwing mayroon bibili sa kani-kanilang shoplinks.

Kahit nasa bahay lang, pwede nang kumita. Gamit lang ang cellphone at internet.

Siguradong matatakam ang mga magiginh customers n’yo kapag nakita nila ang mga nakakagutom na produktong inaalok n’yo sa inyong sariling Siomai King shoplink.

Hindi mo kailangang kumuha ng pwesto o tauhan, madali lang i-operate at pag-aralan, kailangan lang bigyan ng oras at tutukan at maaaring kumita ng maganda at maaaring kumita ng maganda kahit nasa bahay lang.

Mula noong nag-transition online ang Siomai King na may isang taon na ang nakalilipas, libu-libo na sa ating mga kababayan ang nabigyan nito ng maganda at alternatibong pinagkakakitaan sa gitna ng pandemya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya payo ng Siomai King, pumasok sa “online franchise business”, maging isang online franchisee at magkaroon ng pagkakataong kumita, ngayong pandemya kahit nasa bahay lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending