Ka Tunying bagong kapamilya ng Siomai King online franchise business | Bandera

Ka Tunying bagong kapamilya ng Siomai King online franchise business

Ervin Santiago - September 03, 2020 - 04:26 PM

 

MULA sa pagiging sikat na news anchor at TV journalist, ngayon ay kinikilala si Anthony “Ka Tunying” Taberna bilang isa sa mga bagong brand ambassadors ng “Siomai King”.

Ito ang sikat at trending na online franchise negosyo na nagbibigay oportunidad sa ating mga kababayan, kumita ng extra, sa gitna ng panahon ng pandemya.

Ang Siomai King ay ang flagship brand at isa sa mga food franchise concept ng JC Worldwide franchise incorporated. Meron na itong mahigit 1,000 food cart outlets nationwide at labing apat na taon na ang exposure nito sa local franchise market.

Matatandaan na simula nu’ng sumapit ang panahon ng pandemya dito sa ating bansa, naitala na ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umakyat na sa libu-libo ang nawalan ng hanap buhay dahil sa patuloy na pagsara ng mga kumpanya sanhi ng pandemyang nararanasan.

Dahil dito, naglunsad ng makabago at napapanahong pamamaraan ang JC Worldwide Franchise Inc. para mas epektibong matulungan ang ating mga kababayan na kumita ng extra sa panahon ng pandemya.

Naitatag ang kauna-unahang “Online Food Franchise” na negosyo ng nasabing kumpanya na kilala ngayon bilang SIOMAI KING ONLINE FRANCHISE BUSINESS mula pa noong Abril ng taong kasalukuyan.

Ito ay naging trending sa mga netizens, at dahil sa abot kayang kapital, at simpleng pagpapatakbo ng online business na ito, pwede na magkaroon ng isang Online Food Franchise na negosyo ang isang nag-nanais magkaroon ng food franchise business.

Naniniwala si Ka Tunying at ang Siomai King sa hangaring matulungan ang ating mga kababayan na mabigyan ng isang Online na negosyo na kahit sinu, pwedeng gawin ito at kumita kahit konti para matulungan, lalo na ang mga nawalan ng trabaho, makabangon sa gitna ng pandemya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending