Ivana Alawi pinakabagong miyembro ng Siomai King family | Bandera

Ivana Alawi pinakabagong miyembro ng Siomai King family

|April 05,2021
facebook
share this

Ivana Alawi pinakabagong miyembro ng Siomai King family

- April 05, 2021 - 07:41 PM

MULA sa kanyang mga trending vlog at post online at mga nagmarkang role sa telebisyon, makikilala na rin ngayon ang phenomenal vlogger-actress na si Ivana Alawi bilang pinakabagong brand ambassadress ng Siomai King, “Ang Hari ng Siomai.”

Napili ng Siomai King si Ivana bilang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya upang makatulong ng malaki sa kanilang adhikain na maipakilala pa sa mas nakararaming tao ang isang abot-kaya at napapanahong negosyo na makapagbibigay sa kanila at nakapagbigay na rin ng pagkakataon sa marami na kumita ng extra nitong pandemya sa ilalim ng new normal.

Ang Siomai King ay ang flagship brand at isa sa mga food cart franchise concept ng JC Worldwide Franchise Inc. Mayroon na itong mahigit 1,000 food cart outlets sa buong bansa at labing-apat na taong exposure sa local franchise market. Ngunit matatandaan din na maraming kumpanya ang nagsara nitong pandemya at marami rin ang nawalan ng pagkakakitaan.

Dahil dito, inilunsad ng JC Worldwide at Siomai King sa pangunguna ng kanilang President at CEO na si Jonathan So at Vice-President at CFO na si Carlito Macadangdang ang kauna-unahang “Online Food Franchise” na negosyo sa bansa—ang Siomai King Online Franchise Business—upang hindi lamang maitawid ang kanilang mga empleyado at franchisees ngayong pandemya, kundi ay higit sa lahat, ang makatulong sa kanilang mga kababayan na nawalan ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng alternatibong mapagkakakitaan.

Ang nasabing online franchise business ay naging trending sa mga netizen dahil maaari nang magkaroon ang isang online franchisee ng kanyang sariling food franchise business sa abot-kayang kapital at higit sa lahat, kumita kahit nasa bahay lang.
Ito ay dahil Siomai King na rin mismo ang bahalang magproseso ng mga order, mga bayad at pati na rin komisyon ng isang online franchisee sa pamamagitan ng personalized shoplink para sa bawat franchisee.
Para kumita, kailangan lang na i-post at i-share ng isang online franchisee ang kanyang shoplink upang doon mag-order ang kanyang mga customer.

At ngayon, kasama ng kanilang pinakabagong brand ambassadress na si Ivana Alawi, ninanais ng Siomai King na maihatid pa ang kanilang mensahe sa mas nakakaraming tao upang makatulong sa kanila hindi lamang upang malagpasan ang pandemya, kundi pati na rin makapagbigay ng alternatibong pagkakakitaan sa lahat sa new normal at sa dadating pang mga taon.

Bisitahin ang Siomai King website — www.siomaiking.ph..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending