PBBM nanawagan ng pagkakaisa ngayong Ninoy Aquino Day

PBBM nanawagan ng pagkakaisa ngayong Ninoy Aquino Day: ‘Let us transcend political barriers’

Pauline del Rosario - August 21, 2023 - 10:49 AM

PBBM nanawagan ng pagkakaisa ngayong Ninoy Aquino Day: ‘Let us transcend political barriers’

PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

ISA lang naman ang hinihiling ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong binibigyang-pugay ng bansa ang ika-40th death anniversary ng dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ito raw ay magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino.

Kung maaalala, si Ninoy ang naging lider ng oposisyon noong panahon ng pagkapangulo ng ama ni Pangulong Bongbong, ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

Noong 1983, ang dating senador ay pinaslang sa Manila International Airport matapos siyang bumalik mula sa self-exile sa United States.

Sa kabila ng political rivalry sa pagitan ng Marcoses at Aquinos, tila pinuri ni Pangulong Bongbong ang pagiging martir ni Ninoy.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin binalaan si Kris Aquino ukol sa pelikula ni Darryl Yap: Ikaw ang umimbento ng katapat mo ngayon

“I stand united with all Filipinos worldwide in commemorating Ninoy Aquino Day. By standing for his beliefs and fighting for battles he deemed right, he became an example of relentlessness and resolve for many Filipinos,” saad ng presidente sa inilabas na mensahe.

Kasunod nito ay tila inihayag niya na dapat tigilan na ang bangayan pagdating sa politika.

“In our resolute quest for a more united and prosperous Philippines, let us transcend political barriers that hamper us from securing the comprehensive welfare and advancement of our beloved people,” sey ni Marcos.

Ayon kay Marcos, ang pagmamahal sa bansa ay dapat maglikha ng isang kapaligiran para sa pagkaunawaan, pagkakawang-gawa, at diyalogo.

“Together, let us develop a Philippines grounded in reason and fortitude, where the boundaries of our personal biases fade and the welfare of all become our priority,” dagdag niya.

Saad pa ng pangulo, “As we take measured yet realistic strides towards progress, let us allow our indomitable spirit to drive us to uplift every Filipino and build an inclusive and more progressive Philippines.”

“I wish everyone a meaningful remembrance,” aniya pa.

Ilang dekada na ang nakalipas, ang pagkamatay ni Ninoy, pati na rin ‘nung pumaslang sa kanya ay nananatili pa ring misteryo.

Matapos ang pagpaslang, nag-utos si Marcos Sr. ng isang misyon para tukuyin ang mastermind sa likod ng nangyari sa dating senador.

Related Chika:

JK Labajo pinatunayan ang galing sa pagkanta at pagdadrama sa ‘Ako Si Ninoy’; Vince Tañada may inamin sa premiere night

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isko Moreno balik showbiz na, gaganap na Ninoy Aquino sa pelikula ni Darryl Yap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending