SB19 Stell sa mga mapapasama sa kanyang team para sa The Voice Generations: 'Huwag matakot magkamali, part yan ng pag-grow n'yo' | Bandera

SB19 Stell sa mga mapapasama sa kanyang team para sa The Voice Generations: ‘Huwag matakot magkamali, part yan ng pag-grow n’yo’

Ervin Santiago - August 17, 2023 - 06:23 AM

SB19 Stell sa mga mapapasama sa kanyang team para sa The Voice Generations: 'Huwag matakot magkamali, part yan ng pag-grow n'yo'

Chito Miranda, Billy Crawford, Julie Anne San Jose at SB19 Stell

ABANGERS na ang milyun-milyong fans ng super P-pop group na SB19 sa pagsisimula ng “The Voice Generations” sa GMA 7 kung saan isa sa mga magiging coach si Stell.

Makakasama niya sa pinakabagong reality talent search ng Kapuso Network bilang coach sina Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda, Billy Crawford at ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.

Sa pakikipagchikahan ni Stell sa ilang members ng entertainment media, natanong ang binata kung anu-anong qualities ang hahanapin niya sa mga contestants na bubuo sa kanyang dream team para sa kauna-unahang “The Voice Generations” sa Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“As talent, alam ko yung feeling na kumportable ako sa taong alam kong magiging kumportable rin akong makasama, lalo na sa isang competition

“So, kung hinahanap ko is mapuso lang kumanta, and siya, sasabihin niya na ako kaya kong ibigay sa iyo yung mapusong pagkanta, so I think, ikaw yung makakatulong sa akin, kaya ikaw ang pipiliin ko,” paliwanag niya.

Gusto rin niya yung mga talents na handang lumabas sa kanilang mga comfort zone, “Kasi naniniwala ako na parang ang isang artist kasi, once na kumportable ka na sa kung ano yung strength mo, doon ka mag-i-stay, e. Matatakot kang mag-try kasi alam mo na magpi-fail ka.

Baka Bet Mo: Chito Miranda nilinaw na joke lang ang sinabi tungkol sa SB19 members na sina Stell at Pablo: ‘Heads up lang sa mga sobrang seryoso diyan’

“Siguro ang sasabihin ko sa mga magiging future talent na magiging part ng team ko, ‘Huwag kang matatakot magkamali. Parte yan ng pag-grow mo as artist.’

“Hindi lang artist, e. Yung pagiging tao, normal lang magkamali, at sa pagkakamaling yun, doon ka matututo,” sabi pa ni SB19 Stell.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Paliwanag pa niya, “Kasi kung alam mo sa sarili mo na nagkamali ka, at tanggap mo kung sino ka buong-buo, spiritually, mentally, magagawa mo yung lahat.

“Kasi alam mo na kung saan ka nagkamali, tatayo ka doon. Alam mo kung saan ka delikado, iiwasan mo yun. Alam mo kung saan ka kumportable, yun yung gagawin mo.

“But with the right guide and tamang coaching, masusubaybayan at magpo-prosper pa, manu-nurture pa yung talent na meron siya. At yun yung willing kami gawin sa mga future talent namin,” aniya pa.

Magsisimula na ang “The Voice Generations” sa August 27, sa GMA 7, hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Chito Miranda mas bumilib pa kay SB19 Stell nang makasama sa The Voice Generations: ‘Napaka-humble at hindi nagmamarunong’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kakai Bautista grabe magpaka-fan girl kay Stell ng SB19: ‘Sobrang nagustuhan ko siya kasi…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending