BTS V may kaabang-abang na solo album sa September 8

BTS V may kaabang-abang na solo album sa September 8

Pauline del Rosario |August 12,2023
facebook
share this

BTS V may kaabang-abang na solo album sa September 8

Pauline del Rosario - August 12, 2023 - 03:28 PM

BTS V may kaabang-abang na solo album sa September 8

PHOTO: Instagram/@thv

INAABANGAN na ng ARMY o fandom ng K-Pop supergroup na BTS ang upcoming solo album ng isa sa mga miyembro ng grupo na si Kim Tae-hyung o mas kilala bilang V.

Ito ang “Layover” na nakatakdang ilabas sa September 8.

Kinumpirma ng South Korean music label na Big Hit Music na anim na kanta ang tampok sa naturang album at kabilang na riyan ang isang bonus track.

Narito ang mga titulo na nakapaloob sa track list: “Rainy Days,” “Blue,” “Love Me Again,” “Slow Dancing,” “For Us,” at “Slow Dancing (Piano Version).”

Baka Bet Mo: BTS Jung Kook naka-follow sa TikTok ni Niana Guerrero, hirit ng netizens: ‘Sana all! Ikaw na talaga!’

Ayon pa sa Big Hit, ang “Slow Dancing” ang magsisilbing lead song ng naturang album.

“[The song] is a ‘70s romantic soul style track that exudes a laidback and free-spirited feeling, just as the title suggests,” sey sa isang pahayag.

Sinabi rin ng music label na ang mga kantang “Rainy Days,” “Blue,” “Love Me Again,” “Slow Dancing,” at “For Us” ay magkakaroon ng sariling music videos, pero wala pang petsa kung kailan ito ilalabas.

“V will showcase amazing new performances and make various appearances alongside the album’s release. Please stay tuned and continue to support V as he embarks on his solo journey,” anunsyo ng Big Hit.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si V ang huling BTS member na naglabas ng kanyang solo project.

Nauna nang nagkaroon ng solo music sina J-Hope, Jin, RM, Jimin, Suga, at Jungkook. 

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Bernal gustong-gustong inaabangan ang ‘baby kicks’, nasa honeymoon period na ng pagbubuntis

Solo album ni Rose ng Blackpink, nagpapaalala sa kanya ng isang bagay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending