BTS may bagong kanta kasabay ng kanilang 10th anniversary

BTS may bagong kanta kasabay ng kanilang 10th anniversary ngayong Hunyo

Pauline del Rosario |June 01,2023
facebook
share this

BTS may bagong kanta kasabay ng kanilang 10th anniversary ngayong Hunyo

Pauline del Rosario - June 01, 2023 - 04:13 PM

BTS may bagong kanta kasabay ng kanilang 10th anniversary ngayong Hunyo

PHOTO: Instagram/@bts.bighitofficial

KAHIT nasa gitna ng “hiatus” o pansamantalang pagpapahinga, may inihandang sorpresa ang K-Pop sensation na BTS para sa kanilang fans!

Maglalabas ang grupo ng bagong kanta kasabay ng kanilang ika-10th anniversary ngayong Hunyo!

Ayon sa kanilang music label na Big Hit Music, mapapakinggan na sa darating na June 9 ang digital single na may titulong “Take Two,” ang unang kanta mula nang magkahiwalay ang grupo.

“‘Take Two’ is a song for fans embodying the heartfelt emotions and stories BTS sends to its fans in celebration of its 10th anniversary,” sey ng Big Hit Music sa inilabas na pahayag noong Miyerkules, May 31.

Sinabi rin ng music label na ang kanta ay isang pagbabalik-tanaw sa journey ng grupo kasama ang kanilang fans.

Baka Bet Mo: BTS Jungkook may pakiusap sa fans: ‘Stop sending delivery food at home!’

Kung maaalala, noong Hunyo ng nakaraang taon nang huling naglabas ng album na “Proof” ang BTS at pagkatapos niyan ay inanunsyo na nila na sila ay pansamantalang maghihiwalay upang makapag-focus sa kani-kanilang solo career at military duties.

Kahit abala ang bawat miyembro, nagkaroon pa rin ng kontribusyon ang bawat isa upang mabuo ang bagong kanta.

Ayon sa Big Hit, si Suga ang nagsilbing producer ng kanta, habang si RM at j-hope ang nag-asikaso ng komposisyon nito.

“BTS completed ‘Take Two’ with gratitude for fans and the love they have shown, and to express the band’s wish to stay with its fans,” Dagdag ng kompanya.

Samantala, Sa June 13 na ang nakatakdang 10th anniversary ng nabanggit na K-Pop group.

Dahil diyan ay magkakaroon ng citywide festival ang South Korea na kung saan ay taon-taon din itong ipinagdiriwang.

Tinatawag nila itong “BTS Festa” na may nakahandang series of events at mga programa na magaganap in-person at online.

Related Chika:

BTS j-hope ibinandera ang suot na military uniform, nangakong mas pagbubutihan ang training

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Arci Muñoz aminadong nabaliw sa BTS, natulog sa kalsada ng Korea: ‘Wala na akong pera kaya kailangan ko nang magtrabaho’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending