Halikan nina Lovi Poe at Coco Martin sa ‘Batang Quiapo’ wala sa script, aktres ikakasal na nga ba ngayong buwan?
ISA pala sa mga araw na ito ang kasal ng aktres na si Lovi Poe sa fiancé niyang si Monty Blencowe, film producer na naka-base sa Los Angeles, California.
Pero ang kanilang pag-iisang dibdib ay gaganapin sa London.
Ang balita na ‘yan ay base na rin sa report ni Nanay Cristy Fermin sa radio program nila ni Romel Chika na Radyo 5 92.3 TRUE FM.
Matagal na nga nilang bina-blind item ang kilalang aktres na malapit ng ikasal at si Lovi pala iyon!
Dadalo nga raw si Senadora Grace Poe sa nasabing kasal sa London bilang ate ni Lovi at close raw sila, ayon pa sa CFM host.
Anyway, nauuso talaga ngayon ang pagpapakasal sa ibang bansa, lalo na pagdating sa mga kilalang personalidad.
Dahil ayon nga sa naka-tsikahan namin na sa ibang bansa rin ikinasal ay mas nakakatipid daw sila dahil lahat ng bisitang imbitado ay kanya-kanyang gastos sa fare at damit na isusuot.
Kapag dito raw sa Pilipinas ang wedding, tiyak na sobrang laki ng gastos dahil lahat ng kamag-anak at mga kaibigan on both sides ay imbitado or else may magtatampo.
Baka Bet Mo: Lovi Poe biglang na-conscious kay Piolo, bakit kaya?
At dahil nga diyan, marami ka pa talagang kailangan intindihan tulad ng dami ng taong dadalo, venue ng kasal, reception, at marami pang iba.
Hindi katulad sa ibang bansa na limitado ang bisita dahil for sure ‘yung iba ay hindi makakadalo lalo’t kanya-kanyang gastos at reception lang daw ang malaking gastos na ‘yung iba ay may sasagot pa.
Hindi rin kailangan ng bonggang wedding gown dahil simple na ang uso ngayon.
Samantala, habang nasa UK si Lovi ay viral naman ang episode ng FPJ’s Batang Quiapo kagabi dahil sa matinding iyakan at halikan nila ni Coco Martin as Tanggol.
Walang script ang nasabing eksenang nag-iiyakan ang dalawa dahil ibinigay na ni Lovi as Mokang ang sarili kay Ramon na ginagampanan ni Christopher de Leon kapalit ng malaking halaga na kakailanganin nito para sa operasyon ng amang si Pen Medina as Mang Marsing.
Kaya umabot sa matinding iyakan ay mahigpit na bilin ni Coco na siya ang gagawa ng paraan na makalikom ng pera para sa operasyon basta’t huwag na huwag isusuko ni Lovi ang sarili dahil nga mahal na mahal siya ng binata at inalagaan siya simula noong mga bata pa sila.
Nang makuha na ni Coco ang maleta ng pera sa bahay ni Jeffrey Tam as Tiu-Lee ay kaagad niya itong dinala sa hospital at sinabihan siya ni Lovi na hindi na niya kailangan.
Kaninang tanghali ay pinost ng aktres sa Instagram account niya ang video ng eksenang nag-iiyakan sila ni Coco at ang caption, “What you would do for love (emoji heartbroken) #FPJsBatangQuiapo.”
Maraming tagasubaybay ng Batang Quiapo ang nag-react sa post ng aktres at ang ilan sa kanila tulad ni @mychristory, “Grabe Lovi! (emojis praying hands) apakahusay. Legend says it is all spontaneous.”
Sagot ni Lovi, “@mychristory ahh free flow and trust the process! Super thank you Christian (emojis heart).”
Mula kay @tina_deriquito, “wala akong mintis sa panonood ng Batang Quiapo, every night pagkagaling namin sa work ng husband ko pinapanood agad nmin yan here in California.”
Sabi ni @Berna_C_Cosme, “The potrayal of the scene is so touching , di mo mapipigilan maluha sa scene na’to , you can feel the pain so much. Nice Direk Coco and Lovi galing niyo.”
Paulit-ulit ding pinost ni Lovi sa IG stories niya ang mga eksena nila ni Coco.
Ang caption niya, “Coco and I have been doing free flow scenes.. meaning.. No script. Wherever your heart leads you, do it. And so at this very moment.. I felt like kissing him. It was their first…but sad kiss. My #Monggol heart is weeping.”
View this post on Instagram
Sabi ng taga-production ng FPJBQ, “Walang script yung halik. Dalang-dala rin ba kayo sa eksena? #FPJsBatangQuiapo #CocoMartin #LoviPoe.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nasa London si Lovi at pinost niya ang isang video na masaya siyang naglalakad sa garden at kinukunan siya ng kamera na hindi ipinakita kung sino ito.
Related Chika:
Angelica balak mag-showbiz comeback sa 2024: ‘Ngayon nakapila lang ang scripts, offers sa ‘kin’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.