Payo ni Jhong kay Ryan Bang: Kailangan tatagan niya pagdating sa lovelife, ayokong magkaroon siya ng depression kapag nabigo' | Bandera

Payo ni Jhong kay Ryan Bang: Kailangan tatagan niya pagdating sa lovelife, ayokong magkaroon siya ng depression kapag nabigo’

Ervin Santiago |August 10,2023
facebook
share this

Payo ni Jhong kay Ryan Bang: Kailangan tatagan niya pagdating sa lovelife, ayokong magkaroon siya ng depression kapag nabigo’

Ervin Santiago - August 10, 2023 - 07:49 AM

Payo ni Jhong kay Ryan Bang: Kailangan tatagan niya pagdating sa lovelife, ayokong magkaroon siya ng depression kapag nabigo'

Jhong Hilario at Ryan Bang

KILALANG-KILALA na ng TV host-actor na si Jhong Hilario ang kaibigan at co-host sa “It’s Showtime” na si Ryan Bang, lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon.

Ayon kay Jhong, ibang klase ring magmahal ang South Korean comedian kaya naman may mga pagkakataong pinapayuhan niya when it comes to issues of love and relationships.

Sabay na nag-guest sina Jhong at Ryan sa GMA afternoon program na “Fast Talk with Boy Abunda” recently at dito nga napag-usapan ang lovelife ng Koreanong komedyante pero Pinoy na Pinoy ang puso’t damdamin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon kay Ryan, ngayong 32 na siya ay ready na siyang magkaroon ng sariling pamilya. Ibinandera ng TV host na may dine-date siyang Filipina ngayon na ipinakilala na niya sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng FaceTime.

“Nakaipon na ako, Tito Boy. Bata pa lang, sinabi mo sa akin, ‘Ryan, mag-ipon ka.’ Ngayon, nakaipon na ako, Tito Boy. I wanna live my life forever here in the Philippines with my forever Filipina,” pahayag ni Ryan.

Isa sa mga naitanong ni Tito Boy kay Jhong ay kung ano ang maipapayo niya kay Ryan pagdating sa pakikipagrelasyon.

Baka Bet Mo: Jhong Hilario nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso: We will miss you my baby

“Siguro kailangan niyang tatagan ‘yung sarili niya pagdating sa lovelife. Kasi si Ryan kapag…minsan all-out talaga ‘to kapag nagmahal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So ayaw ko na magkaroon siya ng depression kapag nabigo. So, kailangan maging matatag siya, kailangan ituring niya ‘yun as experience,” tugon ni Jhong.

Samantala, dahil birthday na ni Jhong bukas, August 11, natanong ni Tito Boy kung ano ang wish niya para sa kanyang kaarawan.

“Ang wish ko, sana maging maganda ‘yung bonding ng family namin hanggang sa tumanda ‘yung anak ko,” sey ng TV host, aktor at dancer.

Sa segment namang “Fast Talk” isa sa mga question kay Jhong ay kumpletuhin ang sentence na, “Ako si Jhong, proud ako sa aking ___.”
Sagot ng komedyante, “Ako si Jhong, proud ako sa aking anak.”

Ang tinutukoy niya ay ang anak nila ni Maia Azores na si Sarina Oceania Hilario, na isa na rin ngayong social media personality dahil sa mga pampa-good vibes na mga video nilang mag-ama na palaging nagte-trending.

Parking boy pinakain na ni Ryan Bang, binigyan pa ng pera; Jhong ipinagamot ang pasyenteng nagda-dialysis

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jhong Hilario sinorpresa ang mga kaibigan sa pagbabalik sa ‘It’s Showtime’, Vice Ganda napaiyak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending