Richard Reynoso umaming planong ligawan noon si Lea Salonga pero napurnada dahil sa maling chika: 'Ang lumabas kasi sa dyaryo...' | Bandera

Richard Reynoso umaming planong ligawan noon si Lea Salonga pero napurnada dahil sa maling chika: ‘Ang lumabas kasi sa dyaryo…’

Ervin Santiago |August 08,2023
facebook
share this

Richard Reynoso umaming planong ligawan noon si Lea Salonga pero napurnada dahil sa maling chika: ‘Ang lumabas kasi sa dyaryo…’

Ervin Santiago - August 08, 2023 - 07:17 AM

Richard Reynoso umaming planong ligawan noon si Lea Salonga pero napurnada dahil sa maling chika: 'Ang lumabas kasi sa dyaryo...'

Lea Salonga at Richard Reynoso

NAGSALITA na ang OPM hitmaker na si Richard Reynoso tungkol sa naging isyu sa kanila noon ng international singer-actress na si Lea Salonga.

Nagkaroon kasi ng chika ilang taon na ngayon ang nakararaan tungkol sa napabalitang niligawan daw niya si Lea pero napurnada ito dahil sa maling tsismis.

Sa guesting ni Richard sa weekly morning talkshow ng GMA 7 na “Sarap, Di Ba?” natanong siya ng host nitong si Carmina Villarroel about this.

“Totoo ba na noong kabataan mo, niligawan mo ang idol ko na si Ms. Lea Salonga? Saan umabot ang panliligaw mo?” ang diretsahang pang-uusisa ni Carmina sa veteran singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Reynoso (@richreynoso)


Mabilis na tugon ni Richard, “Hindi ko niligawan.” Kasunod nito, nagpaliwanag nga siya hinggil sa tunay na nangyari sa kanila noon ng Broadway superstar.

“We were close friends. We were very, very, very close kasi kahit ‘yung nanay namin nagkukuwentuhan din, close din,” ang esplika ng tinaguriang Prince Of Ballad noong dekada 90.

Sabi pa ni Richard, hindi raw siya umabot sa panliligaw dahil sa mga kumalat na tsismis tungkol sa kanila ni Lea, “Noong point na pupuwede sanang umabot doon, hindi umabot doon kasi pinasukan kami ng intriga.

Baka Bet Mo: Janno ipinagtanggol si Lea sa ‘dressing room’ viral video: ‘Sana lang nasabi niya nang mas maayos, yung hindi mapapahiya ang fans’

“May tumawag sa akin, nag-i-interview tapos sinabi sa akin, tinatanong ako, kung gusto ko daw ba…kung nanliligaw daw ba ako (kay Lea).

“Sabi ko hindi pa. Tinatapos ko lang ‘yung pag-aaral ko. Hindi pa,” paliwanag ni Richard.

Ngunit ikinagulat niya ang sumunod na mga eksena, “Ang lumabas sa dyaryo, si Richard Reynoso hindi type si Lea Salonga. Mula noon nagkaano na…I wasn’t given a chance.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by The Soraya (@thesorayastage)


“Wala akong pagkakataon para i-defend ‘yun dahil wala tayong social media noon e,” pagbabahagi pa niya.

Sundot na question ni Carmina, kung nabigyan ba siya ng chance na makapag-explain kay Lea sa tunay na nangyari, “Hindi na, wala na akong chance kasi ‘yun ‘yung time na aalis na pala siya pa-Miss Saigon.”

Pero, eventually ay nabigyan sila ng pagkakataon na makapag-chat sa pamamagitan ng Facebook, “Nakapag-usap naman kami sa FB. Nagpalitan kami ng messages. Okay na ‘yun. Halos may closure na ‘yun.”

Neri Miranda super faney ni Lea Salonga pero hindi ginamit si Chito para makapagpa-picture

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lea Salonga ipinagdiinan ang kahalagahan ng ‘boundaries’: We’re human beings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending