Lea Salonga ipinagdiinan ang kahalagahan ng 'boundaries': We're human beings | Bandera

Lea Salonga ipinagdiinan ang kahalagahan ng ‘boundaries’: We’re human beings

Therese Arceo |July 28,2023
facebook
share this

Lea Salonga ipinagdiinan ang kahalagahan ng ‘boundaries’: We’re human beings

Therese Arceo - July 28, 2023 - 11:29 PM

Lea Salonga ipinagdiinan ang kahalagahan ng 'boundaries': We're human beings

MULING naglabas ng saloobin ang international singer na si Lea Salonga ukol sa viral video niya kung saan may mga fans na nagtangkang pasukin siya sa kanyang dressing room para magpa-picture.

Matatandaang habang nasa kanyang dressing room sa Broadway Theater sa New York kung saa ipinapalabas ang musical play na “Here Lies Love” ay may mga fans na wala naman sa guest list ang nakarating sa backstage na kanyang pinagsabihan dahil sa pag-invade nito ng kanyang privacy.

Kaya naman muling natanong si Lea ukol sa isyu sa kanyang naging interview sa American TV host na si Sara Gore para sa “New York Live” noong Miyerkules, July 26.

Tanong sa international singer, dapat daw bang hiwalay ang “art” sa mga “artists”.

“There is, there is. We’re human beings. First of all, we need to rest, we need to take time for ourselves. When we say goodbye, when we make our curtain call, we head back to the room, that’s it,” pagbabahagi ni Lea.

Sabi pa ni Sara, karapat-dapat lang ring bigyan ng oras ang mga artists para makapagpahinga at magpag-isa pagkatapos ng kanilang naging performance.

Saad niya, “Exactly. I mean, it’s an exhausting thing to do, a show. Even if I do sing one song, just one song, there’s a lot that goes into it,” saad ni Lea.

Pagpapatuloy niya, “The preparation that goes into it is the same preparation as when I’m preparing to sing for two and a half hours.”

Baka Bet Mo: Paalala ni Lea sa fans sa gitna ng viral video sa dressing room: ‘Just a reminder…I have boundaries, do not cross them’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ani Lea, nagbukas ng diskusyon ang nangyari para maging bukas ang mga tao na may limitasyon rin ang bawat isa kahit na public figure ang mga ito.

“So, I think, it started a conversation, I think, that has enabled a lot of artists to say, ‘I need to protect my own boundaries, too’,” sey pa niya.

Matatandaang base sa viral video ay hindi nagustuhan ni Lea ang pagtatangka ng fans na pasukin ang kanyang dressing room.

Kahit na hindi naging kumportable ang nangyari paea sa singer ay maayos pa rin niyang ipinaliwanag sa fans na wala ang mga ito sa guest list at hindi nita papayagang pumasok ang mga ito sa dressing room para na rin sa kanyang seguridad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wala namang pagsisisihing naramdaman ang uploader na si Christopher Carpila at sinabing wala siyang ginagawang masama at hindu raw ito hihingi ng sorry kay Lea sa kanyang ginawa.

Related Chika:
Janno ipinagtanggol si Lea sa ‘dressing room’ viral video: ‘Sana lang nasabi niya nang mas maayos, yung hindi mapapahiya ang fans’

Banat ni Rendon Labador kay Lea Salonga: ‘Ang totoo niyan laos ka na! Buti nga may fans ka pa!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending